-
Linangin ang Pag-ibig na Hindi Kailanman NabibigoAng Bantayan—2009 | Disyembre 15
-
-
13. (a) Ano ang taunang teksto sa 2010? (b) Bakit masasabing hindi kailanman nabibigo ang pag-ibig?
13 Ipinaliwanag ni Pablo sa sumunod na mga talata kung ano ang kahulugan at di-kahulugan ng pag-ibig. (Basahin ang 1 Corinto 13:4-8.) Tingnan natin ngayon kung talaga nga bang nagpapakita tayo ng pag-ibig. Suriin natin ang huling parirala sa talata 7 at ang unang pangungusap sa talata 8: ‘Binabata ng pag-ibig ang lahat ng bagay. Hindi ito kailanman nabibigo,’ na siyang taunang teksto sa 2010. Pansinin na sa talata 8, sinabi ni Pablo na ang mga kaloob ng espiritu, kasama na ang panghuhula at pagsasalita ng mga wika—na ginamit noong bagong tatag pa lamang ang kongregasyong Kristiyano—ay aalisin. Mawawala ang mga ito. Pero mananatili ang pag-ibig. Si Jehova mismo ang personipikasyon ng pag-ibig, at siya’y walang hanggan. Kaya ang pag-ibig ay hindi kailanman mabibigo, o magwawakas. Mananatili magpakailanman ang katangiang ito ng ating walang-hanggang Diyos.—1 Juan 4:8.
-
-
Linangin ang Pag-ibig na Hindi Kailanman NabibigoAng Bantayan—2009 | Disyembre 15
-
-
Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo
20, 21. (a) Bakit nakahihigit ang halaga ng pag-ibig? (b) Bakit determinado kang itaguyod ang daan ng pag-ibig?
20 Nakikita natin ngayon sa bayan ni Jehova ang kahalagahan ng pagtataguyod ng nakahihigit na daan ng pag-ibig. Talagang kapaki-pakinabang ito sa lahat ng pagkakataon. Pansinin kung paano idiniin ni apostol Pablo ang puntong iyan. Una, binanggit niya na ang mga kaloob ng espiritu ay lilipas at ang kongregasyong Kristiyano ay hindi mananatiling baguhan kundi susulong tungo sa pagkamaygulang. Pagkatapos, sinabi niya: “Gayunman, ngayon ay nananatili ang pananampalataya, pag-asa, pag-ibig, ang tatlong ito; ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay pag-ibig.”—1 Cor. 13:13.
21 Sa hinaharap, magkakatotoo na ang mga bagay na sinasampalatayanan natin, kaya hindi na natin kailangan ang pananampalataya sa mga ito. Hindi na rin kailangan ang pag-asa sa mga pangakong pinananabikan nating matupad kapag naging bago na ang lahat ng bagay. Kumusta naman ang pag-ibig? Hindi ito kailanman mabibigo, o magwawakas. Ito ay mananatili. Dahil mabubuhay tayo magpakailanman, tiyak na marami pa tayong matututuhan tungkol sa pag-ibig ng Diyos. Kung gagawin natin ang kalooban ng Diyos at itataguyod ang nakahihigit na daan ng pag-ibig na hindi kailanman nabibigo, maaari tayong manatili magpakailanman.—1 Juan 2:17.
-