-
Huwag Tumingin sa “mga Bagay na Nasa Likuran”Ang Bantayan—2012 | Marso 15
-
-
12. Ano ang turing ni Pablo sa mga bagay na tinalikuran niya?
12 Malaki ang isinakripisyo ni apostol Pablo para maging tagasunod ni Kristo. (Fil. 3:4-6) Ano ang turing niya sa mga bagay na tinalikuran niya? Ganito ang sabi niya: “Anumang bagay na mga pakinabang para sa akin, ang mga ito ay itinuring kong kawalan dahil sa Kristo.” Bakit? Sinabi pa niya: “Tunay ngang ang lahat ng bagay ay itinuturing ko rin na kawalan dahil sa nakahihigit na halaga ng kaalaman tungkol kay Kristo Jesus na aking Panginoon. Dahil sa kaniya ay tinanggap ko ang kawalan ng lahat ng bagay at itinuturing kong mga basura ang mga iyon, upang matamo ko si Kristo.”a (Fil. 3:7, 8) Kapag nagtapon ng basura ang isang tao, hindi na niya ito panghihinayangan. Sa katulad na paraan, hindi pinanghinayangan ni Pablo ang tinalikuran niyang mga oportunidad sa sanlibutan. Wala nang halaga sa kaniya ang mga ito.
13, 14. Paano natin matutularan ang halimbawa ni Pablo?
13 Paano kung mapansin natin na nagsisimula tayong manghinayang sa mga oportunidad na pinalampas natin? Tularan natin ang halimbawa ni Pablo. Paano? Pag-isipan ang mahahalagang bagay na taglay mo ngayon. Mayroon kang mabuting kaugnayan kay Jehova, at alam niyang isa kang tapat na lingkod niya. (Heb. 6:10) May maiaalok ba ang sanlibutan na makapapantay sa espirituwal na mga pagpapalang tinatamasa natin ngayon at tatamasahin sa hinaharap?—Basahin ang Marcos 10:28-30.
-
-
Huwag Tumingin sa “mga Bagay na Nasa Likuran”Ang Bantayan—2012 | Marso 15
-
-
a Sa orihinal na wika, ang salitang isinalin dito na “basura” ay nangangahulugan ding bagay na “inihagis sa mga aso,” “dumi ng hayop o tao.” Sinabi ng isang iskolar sa Bibliya na ginamit ni Pablo ang salitang ito para tumukoy sa “tahasang pag-ayaw sa isang bagay na walang halaga at kasuklam-suklam at hindi na nanaisin pang makita ng isang tao.”
-