-
JanesKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
JANES
Isa na sumalansang kay Moises; inihalintulad siya ni Pablo sa mga apostata na sumasalansang sa katotohanan. (2Ti 3:8, 9) Sina Janes at Jambres, na ang ‘kabaliwan ay naging malinaw sa lahat,’ ay hindi ipinakilala sa Hebreong Kasulatan, ngunit karaniwan nang ipinapalagay na kabilang sila sa mga pangunahing tauhan sa korte ni Paraon, marahil ay ang mga mahikong saserdote na sumalansang kina Moises at Aaron sa maraming beses na pagpunta nila roon. (Exo 7:11, 12, 22; 8:17-19; 9:11) Ang dami ng tradisyon na sumasang-ayon dito ay lubhang nakahihigit kaysa sa iilan na hindi kaayon nito. Ang di-Kristiyanong mga mapagkukunan ng impormasyon, gaya nina Numenius, Pliny na Nakatatanda, at Lucio Apuleio, isang akdang Qumran, ang Targum ni Jonathan, at ilang akdang apokripal ay pawang bumabanggit sa isa o kaya’y sa dalawang lalaking ito.
-