ONESIFORO
[Tagapagdala ng Pakinabang].
Isang Kristiyano na tinukoy sa ikalawang liham ni Pablo kay Timoteo. (2Ti 4:19) Kabaligtaran ng ibang mga nasa distrito ng Asia na tumalikod kay Pablo, si Onesiforo ay nanatiling isang matapat na tagasuporta at, noong siya’y nasa Roma, masikap niyang hinanap si Pablo sa kabila ng panganib na idudulot nito sa kaniya. Hindi niya ikinahiya ang mga gapos ng bilangguan ni Pablo kundi nag-ukol siya ng mabuting paglilingkod sa apostol, gaya ng ginawa niya sa Efeso. Lubhang pinahalagahan ni Pablo ang pagkamatapat na ito at ipinanalangin niya na si Onesiforo at ang sambahayan nito ay tumanggap ng awa ni Jehova.—2Ti 1:15-18.
Ang bagay na ang sambahayan ni Onesiforo ang pinadalhan ni Pablo ng mga pagbati sa halip na si Onesiforo mismo (2Ti 4:19) ay hindi naman nangangahulugan na siya ay patay na, bagaman maaaring posible iyon. Marahil ay wala lamang siya noon sa piling ng kaniyang pamilya o maaaring kasama na siya sa panlahatang pagbati na ipinadala sa kaniyang sambahayan ng mga mananampalataya.