LINO, II
Isang Kristiyano sa Roma na binanggit ng apostol na si Pablo na nagpadala ng mga pagbati kay Timoteo. (2Ti 4:21) Ipinapalagay ni Irenaeus (ipinanganak noong mga 120/140 C.E.) at ng iba pang mga kasunod niya na ang Linong ito ang isang sinaunang tagapangasiwa sa Roma na may gayunding pangalan, ngunit ang palagay na ito ay batay lamang sa tradisyon.