HERMOGENES
[Ipinanganak kay Hermes].
Isa sa dalawang Kristiyano sa distrito ng Asia na espesipikong binanggit ang pangalan bilang mga tumalikod kay Pablo, marahil ay dahil sa marahas na pag-uusig na inilunsad ni Nero laban sa mga Kristiyano pagkatapos ng panununog sa Roma noong 64 C.E.—2Ti 1:15.