SA UTOS ni Jehova, ang tabernakulo ay unang itinayo noong 1512 B.C.E. sa ilang sa Bundok Sinai. Ito ang nagsilbing sentro ng tunay na pagsamba para sa Israel; nasa gitna rin ito ng kampo ng mga Israelita. Ipinaliwanag ng apostol na si Pablo na ang tabernakulo ay isang makahulang ilustrasyon ng “mas dakila at lalong sakdal na tolda,” ang dakilang dako ng pagsamba sa Diyos.—Heb 9:9, 11.