-
Tumingin sa Kabila Pa Roon ng mga Bagay na Iyong Nakikita!Ang Bantayan—1996 | Pebrero 15
-
-
Bukod pa sa kapighatian ng iba, dumanas din si Jesus ng sariling kapighatian. (Hebreo 5:7, 8) Ngunit taglay ang sakdal na espirituwal na paningin, tumingin siya sa kabila pa ng mga ito upang makita ang gantimpala ng pagiging itinaas sa imortal na buhay dahil sa kaniyang landasin ng katapatan. Sa panahong iyon bilang Mesianikong Hari, magkakaroon siya ng pribilehiyo na hanguin ang namimighating sangkatauhan buhat sa abang kalagayan nito tungo sa kasakdalan na unang nilayon ni Jehova. Ang pagpapako ng kaniyang paningin sa di-nakikitang pag-asang ito sa hinaharap ang siyang nakatulong sa kaniya na panatilihin ang kagalakan sa maka-Diyos na paglilingkuran sa kabila ng mga kapighatiang nakikita niya sa araw-araw. Isinulat ni Pablo nang bandang huli: “Dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagbata siya ng pahirapang tulos, na hinahamak ang kahihiyan, at umupo sa kanang kamay ng trono ng Diyos.”—Hebreo 12:2.
-
-
Tumingin sa Kabila Pa Roon ng mga Bagay na Iyong Nakikita!Ang Bantayan—1996 | Pebrero 15
-
-
Sa pagbanggit tungkol sa nagpangyari kay Jesus na makapagbata, tinukoy rin ni Pablo ang landasin para sa atin nang siya’y sumulat: “Takbuhin natin nang may pagbabata ang takbuhan na inilagay sa harapan natin, habang nakatingin tayong mabuti sa Punong Ahente at Tagapagpasakdal ng ating pananampalataya, si Jesus.” (Hebreo 12:1, 2) Oo, upang matakbo natin ang Kristiyanong landasin nang matagumpay at may kagalakan, dapat tayong tumingin sa kabila pa roon ng mga bagay na nasa harapan natin. Subalit papaano natin ‘titingnang mabuti’ si Jesus, at ano ang magagawa nito para sa atin?
Halimbawa, noong 1914, si Jesus ay inilagay bilang Hari sa Kaharian ng Diyos, at namamahala na siya mula sa langit. Sabihin pa, lahat ng ito ay di-nakikita ng ating pisikal na mga mata. Gayunman, kung ating ‘titingnang mabuti’ si Jesus, tutulungan tayo ng ating espirituwal na paningin na makitang siya ngayon ay nakahanda na upang kumilos at wakasan ang kasalukuyang balakyot na sistema ng mga bagay at gapusin si Satanas at ang kaniyang hukbo ng mga demonyo anupat sila’y walang anumang magagawa. Karagdagan pa, isisiwalat ng ating espirituwal na paningin ang kamangha-manghang bagong sanlibutan na doo’y “hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.”—Apocalipsis 19:11-16; 20:1-3; 21:4.
Samakatuwid, sa halip na mapabigatan ng pansamantalang mga kapighatian na maaaring mapaharap sa atin bawat araw, bakit hindi natin ipako ang ating tingin sa mga bagay na walang-hanggan? Taglay ang mga mata ng pananampalataya, bakit hindi tayo tumingin sa kabila pa roon ng sakit at ng kasakiman ng maruming lupang ito upang makita ang paraisong punô ng malulusog, maliligaya, at mapagmalasakit na mga tao? Bakit hindi tumanaw lampas pa sa ating mga depekto, kapuwa sa pisikal at espirituwal, at makitang napalaya na magpakailanman ang ating mga sarili mula sa mga ito sa bisa ng haing pantubos ni Kristo? Bakit hindi tumingin sa dako pa roon ng mga bangkay na iniwan ng digmaan, krimen, at karahasan at malasin ang mga bagong binuhay-muli na tinuturuan ng kapayapaan at katuwiran ni Jehova?
Bukod dito, kasali sa ‘pagtinging mabuti’ kay Jesus ang pagpapako ng ating espirituwal na paningin sa kung ano ang nagawa na ng Kaharian, bagaman di-nakikita, sa bayan ng Diyos sa lupa: pagkakaisa, kapayapaan, pag-ibig, pagmamahal na pang-kapatid, at espirituwal na kasaganaan. Ganito ang isinulat ng isang Kristiyanong babae sa Alemanya pagkatapos na mapanood ang video na United by Divine Teaching: “Ang video ay tutulong sa akin na patuloy na isiping napakaraming Kristiyanong mga kapatid sa buong daigdig ang naglilingkod na tapat kay Jehova sa mismong sandaling ito—na ginagawa iyon sa kabila ng pagsalansang ng madla. Pagkahala-halaga nga ng ating pagkakaisa bilang magkakapatid sa isang daigdig ng karahasan at pagkakapootan!”
“Nakikita” rin ba ninyo si Jehova, si Jesus, ang tapat na mga anghel, at ang milyun-milyong kapuwa Kristiyano na nakatayo sa inyong panig? Kung gayon, hindi kayo labis na mababahala sa “kabalisahan ng sistemang ito ng mga bagay” na maaaring magpahina ng inyong loob at gawin kayong “di-mabunga” sa Kristiyanong paglilingkuran. (Mateo 13:22) Kaya ‘tingnang mabuti’ si Jesus sa pamamagitan ng pagpapako ng inyong espirituwal na mga mata sa naitatag na Kaharian ng Diyos at sa mga pagpapala nito, kapuwa sa ngayon at sa hinaharap.
-