ARALIN 55
Suportahan ang Inyong Kongregasyon
Sa buong mundo, napakaraming tao ang masayang sumasamba kay Jehova sa libo-libong kongregasyon. Nagpapasalamat sila sa mga tagubiling natatanggap nila, at gusto nilang suportahan ang kongregasyon sa maraming paraan. Ganiyan din ba ang nararamdaman mo sa kongregasyon ninyo?
1. Paano mo gagamitin ang panahon at lakas mo para suportahan ang kongregasyon?
Lahat tayo, puwedeng tumulong sa kongregasyon. Halimbawa, mayroon bang may-edad o may-kapansanan sa kongregasyon ninyo? Puwede mo ba siyang tulungan na makadalo sa mga pulong? O baka puwede mo siyang tulungan sa ibang praktikal na paraan, gaya ng pamimili o sa gawaing-bahay? (Basahin ang Santiago 1:27.) Puwede rin tayong tumulong sa paglilinis at pagmamantini ng Kingdom Hall. Walang pumipilit sa atin na gawin ito. Pero dahil mahal natin ang Diyos at ang mga kapatid, “kusang-loob [nating] ihahandog [ang ating] sarili.”—Awit 110:3.
May iba pang paraan para masuportahan ng mga bautisadong Saksi ang kongregasyon. Ang mga kuwalipikadong brother ay puwedeng maglingkod bilang mga ministeryal na lingkod o elder. Puwedeng sumuporta ang mga brother at sister sa gawaing pangangaral at maglingkod bilang mga payunir. May ilan namang Saksi na tumutulong sa pagtatayo ng mga lugar ng pagsamba o lumilipat sa mga kongregasyon na may malaking pangangailangan.
2. Paano mo gagamitin ang iyong mga pag-aari para suportahan ang kongregasyon?
Puwede nating ‘parangalan si Jehova sa pamamagitan ng ating mahahalagang pag-aari.’ (Kawikaan 3:9) Pribilehiyo nating mag-donate ng pera at iba pang pag-aari para masuportahan ang kongregasyon natin at ang pangangaral sa buong mundo. (Basahin ang 2 Corinto 9:7.) Nagagamit din ang mga donasyon natin kapag may sakuna. Maraming kapatid ang regular na ‘nagbubukod ng abuloy’ o nagbibigay ng donasyon. (Basahin ang 1 Corinto 16:2.) Puwede natin itong ihulog sa mga donation box sa mga lugar ng pagsamba o mag-donate online sa donate.jw.org. Ang totoo, binibigyan tayo ni Jehova ng pagkakataon na ipakitang mahal natin siya. Kaya kapag ginagamit natin ang ating mga pag-aari para sa kaniya, nagagawa natin ito.
PAG-ARALAN
Alamin ang mga puwede mong gawin para masuportahan ang kongregasyon ninyo.
3. Puwede nating gamitin ang mga ari-arian natin
Mahal ni Jehova at ni Jesus ang masayang nagbibigay. Halimbawa, pinahalagahan ni Jesus ang pagsisikap ng biyuda na magbigay ng donasyon kahit mahirap lang ito. Basahin ang Lucas 21:1-4. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Kailangan bang malaki ang ibinibigay nating donasyon para mapasaya si Jehova?
Ano ang nararamdaman ni Jehova at ni Jesus kapag masaya tayong nagbibigay ng donasyon?
Para malaman kung paano ginagamit ang mga donasyon natin, panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Paano ginagamit ang mga donasyon para makinabang ang mga kongregasyon sa buong mundo?
4. Puwede tayong magboluntaryo
Noong panahon ng Bibliya, masipag ang mga lingkod ni Jehova sa pagmamantini ng mga lugar ng pagsamba nila, at hindi lang sila basta nagbibigay ng pera. Basahin ang 2 Cronica 34:9-11. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Paano tumulong ang bawat Israelita para maingatan ang bahay ni Jehova, o ang lugar ng pagsamba?
Para makita kung paano sinusunod ng mga Saksi ni Jehova ang halimbawang ito, panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Bakit mahalagang laging malinis at namamantini ang mga Kingdom Hall natin?
Ano ang ilang paraan para makatulong ka rito?
5. Puwedeng umabot ng mga pribilehiyo ang mga brother
Pinapayuhan ng Kasulatan ang Kristiyanong lalaki na gawin ang lahat para masuportahan ang kongregasyon. Para makita ang isang halimbawa, panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Ano ang ginawa ni Ryan para mas masuportahan niya ang kongregasyon?
Makikita sa Bibliya ang mga kuwalipikasyon para maging ministeryal na lingkod o elder ang isang brother. Basahin ang 1 Timoteo 3:1-13. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
KUNG MAY MAGTANONG: “Saan kumukuha ng pondo ang mga Saksi ni Jehova para sa mga gawain nila?”
Paano mo ito sasagutin?
SUMARYO
Pinapahalagahan ni Jehova ang mga pagsisikap natin na suportahan ang kongregasyon gamit ang ating panahon, lakas, at mga pag-aari.
Ano ang Natutuhan Mo?
Paano natin gagamitin ang ating panahon at lakas para suportahan ang kongregasyon?
Paano natin gagamitin ang ating mga pag-aari para suportahan ang kongregasyon?
Ano ang ilang paraan para makatulong ka sa kongregasyon ninyo?
TINGNAN DIN
Alamin kung bakit hindi na iniuutos ng Diyos na magbigay ang mga lingkod niya ng ikapu.
“Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pagbibigay ng Ikapu?” (Artikulo sa jw.org/tl)
Sinasabi ng Bibliya na may mga atas na para lang sa bautisadong mga lalaki. Pero paano kung kailangan itong gawin ng isang bautisadong babae?
“Ano ang Ibig Sabihin ng Pagkaulo sa Kongregasyon?” (Ang Bantayan, Pebrero 2021)
Kilalanin ang ilang Saksi na nagsakripisyo para madala ang mga publikasyon sa kanilang mga kapananampalataya.
Alamin kung paano pinopondohan ang mga gawain ng mga Saksi ni Jehova at kung paano ito naiiba sa ibang relihiyon.
“Saan Nanggagaling ang Pondo ng mga Saksi ni Jehova?” (Artikulo sa jw.org/tl)