-
Capadocia—Kung Saan Namuhay ang mga Tao sa mga Tirahang Inukit ng Hangin at TubigAng Bantayan—2004 | Hulyo 15
-
-
BINANGGIT ni apostol Pedro ang Capadocia. Ipinatungkol niya ang kaniyang unang kinasihang liham sa “mga pansamantalang naninirahan na nakapangalat sa . . . Capadocia,” bukod sa iba pa. (1 Pedro 1:1) Anong uri ng lupain ang Capadocia? Bakit namuhay ang mga naninirahan dito sa mga tirahang inukit sa bato? Paano nakarating sa kanila ang Kristiyanismo?
-
-
Capadocia—Kung Saan Namuhay ang mga Tao sa mga Tirahang Inukit ng Hangin at TubigAng Bantayan—2004 | Hulyo 15
-
-
Pagsapit ng ikalawang siglo B.C.E., mayroon nang pamayanan ng mga Judio sa Capadocia. At ang mga Judio sa rehiyong ito ay naroroon sa Jerusalem noong taóng 33 C.E. Naroroon sila upang ipagdiwang ang Kapistahan ng Pentecostes. Kaya, nangaral si apostol Pedro sa mga Judiong taga-Capadocia pagkatapos ng pagbubuhos ng banal na espiritu. (Gawa 2:1-9) Maliwanag na tumugon ang ilan sa kaniyang mensahe at dinala ng mga ito ang kanilang bagong-tuklas na pananampalataya sa pag-uwi nila. Kaya nga, binati ni Pedro ang mga Kristiyano sa Capadocia sa kaniyang unang liham.
-