-
Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?Ang Bantayan—1997 | Enero 15
-
-
“Ang Kaniyang mga Kautusan Ay Hindi Nakapagpapabigat”
4-6. (a) Ano ang literal na kahulugan ng salitang Griego na isinaling “nakapagpapabigat”? (b) Bakit natin masasabi na hindi nakapagpapabigat ang mga utos ng Diyos?
4 “Sumunod sa kaniyang mga utos.” Sa simpleng salita, iyan ang inaasahan ng Diyos sa atin. Mabigat ba ang kahilingan niyang ito? Hindi naman. May sinabi sa atin si apostol Juan na totoong nakagaganyak ng pagtitiwala sa mga utos, o mga kahilingan, ng Diyos. Sumulat siya: “Ito ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos, na tuparin natin ang kaniyang mga kautusan; at gayunma’y ang kaniyang mga kautusan ay hindi nakapagpapabigat.”—1 Juan 5:3.
5 Ang salitang Griego na isinaling “nakapagpapabigat” ay may literal na kahulugang “mabigat.” Ito ay maaaring tumukoy sa isang bagay na mahirap abutin o tuparin. Sa Mateo 23:4, ito ay ginamit upang ilarawan ang “mabibigat na pasan,” ang mga gawang-taong tuntunin at tradisyon, na iniaatang ng mga eskriba at Fariseo sa mga tao. Nakuha mo ba ang diwa ng sinabi ng matanda nang si apostol Juan? Ang mga utos ng Diyos ay hindi isang mabigat na pasanin, ni ang mga ito man ay mahirap para sa atin na sundin. (Ihambing ang Deuteronomio 30:11.) Sa kabaligtaran, kapag iniibig natin ang Diyos, naliligayahan tayong tuparin ang kaniyang mga kahilingan. Nagbibigay ito sa atin ng napakahalagang pagkakataon na ipamalas ang ating pag-ibig kay Jehova.
-
-
Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?Ang Bantayan—1997 | Enero 15
-
-
12. Paano mo ipaliliwanag kung bakit hindi isang pabigat ang pagkuha ng kaalaman sa Diyos at sa kaniyang mga layunin?
12 Isa kayang pabigat ang pagkuha ng gayong kaalaman sa Diyos at sa kaniyang mga layunin? Tunay na hindi! Natatandaan mo ba ang nadama mo nang una mong malaman na ang pangalan ng Diyos ay Jehova, na isasauli ng kaniyang Kaharian ang Paraiso rito sa lupa, na ibinigay niya ang kaniyang sinisintang Anak bilang pantubos sa ating mga kasalanan, bukod sa iba pang mahahalagang katotohanan? Hindi ba parang naalisan ka ng talukbong ng kawalang-alam at nakitang malinaw ang mga bagay-bagay sa unang pagkakataon? Hindi isang pabigat ang pagkuha ng kaalaman sa Diyos. Nakalulugod iyon!—Awit 1:1-3; 119:97.
-
-
Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?Ang Bantayan—1997 | Enero 15
-
-
16. Ipaliwanag kung bakit hindi isang pabigat na abutin ang mga pamantayan ng Diyos sa wastong paggawi at tanggapin ang kaniyang katotohanan.
16 Isa bang pabigat para sa atin na abutin ang mga pamantayan ng Diyos sa wastong paggawi at tanggapin ang kaniyang katotohanan? Hindi naman kung isasaalang-alang natin ang mga kapakinabangan—pagsasamang doo’y nag-iibigan at nagtitiwala ang mag-asawa sa isa’t isa sa halip na pagsasamang winawasak ng pagtataksil; mga tahanang doo’y minamahal at pinahahalagahan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa halip na mga pamilyang ang mga anak ay di-minamahal, pinababayaan, at kinaliligtaan; isang malinis na budhi at mabuting kalusugan sa halip na makasalanang budhi at isang katawang sinasalot ng AIDS o ng iba pang sakit na inililipat ng pagsisiping. Tiyak, ang mga kahilingan ni Jehova ay hindi nagkakait sa atin ng anumang kailangan natin upang masiyahan sa buhay!—Deuteronomio 10:12, 13.
-
-
Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?Ang Bantayan—1997 | Enero 15
-
-
19. Ipaliwanag kung paano tayo nakikinabang dahil sa paggalang sa buhay at dugo.
19 Isa bang pabigat para sa atin na ituring na sagrado ang buhay at dugo? Tiyak na hindi! Isipin mo. Isa bang pabigat ang maingatan mula sa kanser sa baga na sanhi ng paninigarilyo? Isa bang pabigat ang makaiwas sa pagkasugapa ng isip at katawan sa nakapipinsalang droga? Isa bang pabigat ang makaiwas sa AIDS, hepatitis, o iba pang sakit na nakukuha sa pagsasalin ng dugo? Maliwanag, sa ikabubuti natin ang pag-iwas sa nakasasamang mga kaugalian at gawain.—Isaias 48:17.
20. Paano nakinabang ang isang pamilya dahil sa pagtataglay ng pangmalas ng Diyos sa buhay?
20 Isaalang-alang ang karanasang ito. Mga ilang taon na ang nakalilipas, isang babaing Saksi na mga tatlo at kalahating buwan nang nagdadalang-tao ang dinugo isang gabi at isinugod sa ospital. Pagkatapos na siya’y suriin ng doktor, naulinigan niyang sinabi nito sa isa sa mga nars na kailangan nilang alisin ang kaniyang ipinagdadalang-tao. Palibhasa’y nalalaman kung paano minamalas ni Jehova ang buhay ng di pa naisisilang, matatag siyang tumanggi sa aborsiyon, anupat sinabi sa doktor: “Kung iyon ay buháy, hayaan ninyo siya riyan!” Dinudugo pa rin siya paminsan-minsan, ngunit pagkaraan ng ilang buwan ay nagsilang siya ng isang malusog na lalaking sanggol bagaman kulang sa buwan, na ngayon ay 17 taong gulang na. Ganito ang paliwanag niya: “Ang lahat ng ito ay sinabi namin sa aming anak, at sinabi niya na natutuwa siya at hindi siya itinapon sa basurahan. Alam niya na kaya lamang siya nabuhay ngayon ay dahil sa aming paglilingkod kay Jehova.” Walang alinlangan, hindi naging pabigat sa pamilyang ito ang pagtataglay ng pangmalas ng Diyos sa buhay!
-
-
Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?Ang Bantayan—1997 | Enero 15
-
-
23, 24. Paano natin ilalarawan na hindi isang pabigat ang maglingkod kay Jehova kasama ng kaniyang organisadong bayan?
23 Isa bang pabigat ang maglingkod kay Jehova kasama ng kaniyang organisadong bayan? Talagang hindi! Bagkus, isang napakahalagang pribilehiyo ang tamasahin ang pag-ibig at suporta ng isang pambuong-daigdig na pamilya ng Kristiyanong magkakapatid. (1 Pedro 2:17) Gunigunihin ang inyong sarili na nakaligtas sa paglubog ng barko at naroroon ka sa tubig at nagpupunyagi upang manatiling nakalutang. Nang maramdaman mong hindi ka na tatagal, may nag-abot ng isang kamay sa iyo mula sa isang bangkang salbabida. Oo, may ibang nakaligtas! Sa bangkang salbabida, nagsasalitan kayo sa pagsagwan patungong dalampasigan, anupat sinasagip ang iba pang nakaligtas na nadaraanan.
-