PULO, ISLA
Ang terminong Hebreo ʼi (pangmaramihan, ʼi·yimʹ) ay hindi limitado sa isang kalupaan na mas maliit kaysa sa kontinente at lubusang napalilibutan ng tubig (Isa 11:11; 24:15) kundi tumutukoy rin sa tuyong lupa (Isa 42:15) o (mga) baybaying lupain. (Isa 20:6; 23:2, 6; Jer 2:10) Sa makasagisag na paraan, ang salitang ʼi ay kumakapit sa mga tumatahan sa gayong mga pulo o mga baybaying lupain. (Gen 10:5, tlb sa Rbi8; Isa 49:1, tlb sa Rbi8; 59:18, tlb sa Rbi8) Kung minsan, ang “mga pulo” ay kumakatawan sa pinakamalalayong lugar at sa mga tumatahan sa mga iyon. (Isa 41:5; 66:19; Eze 39:6; tingnan ang MAGOG Blg. 2.) Kaya naman walang anumang bagay na napakalayo o napakaliblib, tulad ng mga pulo sa dagat, na makatatakas sa mga epekto ng makasagisag na lindol sa Babilonyang Dakila. (Apo 16:18-21; ihambing ang Apo 6:12-14.) Sa pangmalas ni Jehova, ang lahat ng mga pulo ay “gaya lamang ng pinong alabok.”—Isa 40:15.
Kabilang sa mga pulo na espesipikong binanggit sa Bibliya ay ang Ciprus (Gaw 13:4-6), Cos, Rodas (Gaw 21:1), Creta (Gaw 27:7), Cauda (Gaw 27:16), Malta (Gaw 28:1), at Patmos (Apo 1:9).