-
Ano ang Katotohanan Tungkol sa mga Anghel?Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
2. Sino si Satanas at ang mga demonyo?
May ilang anghel na nagrebelde at hindi naging tapat kay Jehova. Ang una sa kanila ay tinatawag na “Diyablo at Satanas, na nagliligaw sa buong mundo.” (Apocalipsis 12:9) Gusto ni Satanas na pamunuan ang iba. Kaya inimpluwensiyahan niya ang unang mag-asawa, pati na ang ibang anghel, na sumuway sa Diyos. Mga demonyo ang tawag sa mga anghel na nagrebelde. Pinalayas sila ni Jehova sa langit at itinapon sa lupa, at pupuksain niya sila sa hinaharap.—Basahin ang Apocalipsis 12:9, 12.
3. Paano inililigaw ni Satanas at ng mga demonyo ang mga tao?
Inililigaw ni Satanas at ng mga demonyo ang mga tao gamit ang demonismo o espiritismo—isang masamang gawain ng pakikipag-usap sa mga espiritu. Halimbawa, lumalapit ang mga tao sa mga astrologo, manghuhula, psychic, at albularyo. May ilan pa nga na nagpapagamot sa tulong ng espiritismo. Nadaya rin sila dahil naniniwala silang puwede nilang kausapin ang mga patay. Pero nagbabala si Jehova: “Huwag kayong hihingi ng tulong sa mga espiritista, at huwag kayong kokonsulta sa mga manghuhula.” (Levitico 19:31) Ibinigay niya ang babalang ito para protektahan tayo mula kay Satanas at sa mga demonyo. Kaaway sila ng Diyos, at gusto nila tayong ipahamak.
-
-
Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
2. Anong mga pangyayari sa mundo at ugali ng mga tao ang kitang-kita mula noong 1914?
Nagtanong ang mga alagad ni Jesus: “Ano ang magiging tanda ng presensiya mo at ng katapusan ng sistemang ito?” (Mateo 24:3) Sinabi sa kanila ni Jesus ang mga bagay na mangyayari kapag nagsimula na siyang mamahala sa langit bilang Hari sa Kaharian ng Diyos. Kasama sa mga ito ang digmaan, taggutom, at lindol. (Basahin ang Mateo 24:7.) Inihula rin ng Bibliya na dahil sa ugali ng mga tao sa “mga huling araw, . . . magiging mahirap ang kalagayan” ng buhay. (2 Timoteo 3:1-5) Kitang-kita ang mga pangyayari at ugaling ito mula noong 1914.
3. Bakit sumamâ ang kalagayan ng mundo mula noong magsimulang mamahala ang Kaharian ng Diyos?
Nang maging Hari sa Kaharian ng Diyos si Jesus, nakipagdigma siya kay Satanas at sa mga demonyo sa langit. Natalo si Satanas. Sinasabi ng Bibliya na “inihagis siya sa lupa, at ang mga anghel niya.” (Apocalipsis 12:9, 10, 12) Galít na galít si Satanas kasi alam niya na mapupuksa siya. Siya ang dahilan ng problema at pagdurusa sa buong lupa. Kaya hindi nakakapagtaka na napakasama ng kalagayan ng mundo! Pero aalisin ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng problemang ito.
-
-
Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
5. Nagbago ang mundo mula noong 1914
Inihula ni Jesus ang mga mangyayari sa mundo kapag naging Hari na siya. Basahin ang Lucas 21:9-11. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Alin sa mga pangyayaring ito ang nakikita mo na at nababalitaan?
Sinabi ni apostol Pablo ang magiging ugali ng mga tao sa mga huling araw. Basahin ang 2 Timoteo 3:1-5. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Alin sa mga ugaling ito ang nakikita mo na ngayon?
-