Awit 138
Jehova ang Iyong Ngalan
Buháy at tunay ka—
Ang Maylalang sa amin
At ang tanging Diyos namin—
Jehova ’yong ngalan.
Isang karangalan
Tawagin na ’yong bayan.
Ihahayag saanman
Kal’walhatian mo.
(KORO)
Jehova, Jehova,
Walang Diyos gaya mo,
At wala nang Diyos sa langit
O dito sa mundo.
Diyos kang Kataas-taasan,
Dapat malaman ’to.
Jehova, Jehova,
Walang Diyos liban sa iyo.
Pinangyayari mo
Ang anumang naisin
Nang matupad layunin—
Jehova ’yong ngalan.
At mga Saksi mo
Ipinangalan sa ’min.
At karangalan namin
Dalhin ang ngalan mo.
(KORO)
Jehova, Jehova,
Walang Diyos gaya mo,
At wala nang Diyos sa langit
O dito sa mundo.
Diyos kang Kataas-taasan,
Dapat malaman ’to.
Jehova, Jehova,
Walang Diyos liban sa iyo.
(Tingnan din ang 2 Cro. 6:14; Awit 72:19; Isa. 42:8.)