AWIT 43
Isang Panalangin ng Pasasalamat
Printed Edition
1. Diyos na Jehova, maraming salamat,
At nais ka naming papurihan.
Kami’y mahal mo at ’yong nililingap.
Lubos ka naming paglilingkuran.
Araw-araw kami ay nagkukulang;
Humihiling ng kapatawaran.
Salamat dahil kami’y tinubos mo
At alam mong kami’y alabok lang.
2. Salamat sa kabaitan mo sa ’min;
Inilapit mo kami sa iyo.
Turuan mong higit kang makilala
Para maging matapat sa iyo.
Espiritu mo’y tumutulong sa ’min.
Dahil dito, may lakas ng loob.
Salamat po at ’yong sinang-ayunan,
Aming kagalakan na maglingkod.
(Tingnan din ang Awit 65:2, 4, 11; Fil. 4:6.)