AWIT 129
Hindi Tayo Susuko
1. Pa’no harapin
pagsubok na dumarating?
Tulad ni Jesus,
kagalakan ay taglayin.
Pangako ng Diyos ay
binulay-bulay niya.
(KORO)
Hindi tayo susuko.
Manalig sa ’ting Diyos.
Tapat kaniyang pangako,
Dahil pag-ibig niya sa ’ti’y lubos.
2. Dumaranas man
ng kalungkutan at luha,
Mayro’ng pag-asang
inilaan si Jehova.
Ang tunay na buhay
ay makakamtan na.
(KORO)
Hindi tayo susuko.
Manalig sa ’ting Diyos.
Tapat kaniyang pangako,
Dahil pag-ibig niya sa ’ti’y lubos.
3. ’Di padaraig
sa takot at alinlangan.
Hanggang sa wakas,
katapatan ay ingatan.
Araw ni Jehova,
Ito’y malapit na.
(KORO)
Hindi tayo susuko.
Manalig sa ’ting Diyos.
Tapat kaniyang pangako,
Dahil pag-ibig niya sa ’ti’y lubos.
(Tingnan din ang Gawa 20:19, 20; Sant. 1:12; 1 Ped. 4:12-14.)