AWIT 134
Mga Anak—Ipinagkatiwala ng Diyos
1. ’Pag ama na ang lalaki,
At babae ay mayro’n nang anak,
Sila’y pinagkatiwalaan—
Pananagutang mabigat.
Mula sa Diyos, anak ay mana.
Siya’ng nagbigay ng buhay na taglay.
May tagubilin sa magulang;
Dapat sundin bilang patnubay.
(KORO)
Sagrado na pananagutan;
Buhay ang nasa ’yong kamay.
Inyong anak, dapat turuan;
Utos ng Diyos, gawing gabay.
2. Mga utos ni Jehova,
Dapat laging nasa puso ninyo.
At sa anak ay ituturo;
Pananagutan n’yo ito.
Ituro sa inyong paglakad,
Sa pagbangon, sa pagpapahinga.
Nawa sila’y maging tapat at
Tumanggap ng pagpapala niya.
(KORO)
Sagrado na pananagutan;
Buhay ang nasa ’yong kamay.
Inyong anak, dapat turuan;
Utos ng Diyos, gawing gabay.
(Tingnan din ang Deut. 6:6, 7; Efe. 6:4; 1 Tim. 4:16.)