BAHAGI 13
Ano ang Dapat Nating Gawin Para Mapasaya ang Diyos?
Iwasan ang paggawa ng masama. 1 Corinto 6:9, 10
Kung mahal natin si Jehova, hindi tayo gagawa ng mga bagay na ayaw niya.
Ayaw ni Jehova na tayo ay nagnanakaw, naglalasing, o nagdodroga.
Kinapopootan ng Diyos ang pagpatay, aborsiyon, at homoseksuwalidad. Ayaw niya tayong maging sakim o makipag-away.
Hindi tayo dapat sumamba sa mga imahen o magsagawa ng espiritismo.
Hindi papayagang mabuhay sa Paraisong lupa ang masasamang tao.
Gumawa ng mabuti. Mateo 7:12
Para mapasaya ang Diyos, dapat natin siyang tularan.
Magpakita ng pag-ibig sa iba sa pamamagitan ng pagiging mabait at mapagbigay.
Maging tapat.
Maging maawain at mapagpatawad.
Sabihin sa iba ang tungkol kay Jehova at sa kaniyang mga pamantayan.—Isaias 43:10.