ARALIN 5
Tumpak na Pagbabasa
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
Maghandang mabuti. Isipin kung bakit isinulat ang babasahin mo. Magpraktis magbasa nang may tamang paggugrupo-grupo ng mga salita, at huwag lang magpokus sa indibidwal na mga salita. Tiyaking wala kang naidaragdag, nalalaktawan, o napapalitang salita. Sundin ang lahat ng bantas.
Bigkasin nang tama ang bawat salita. Kung hindi mo alam ang bigkas sa isang salita, tingnan iyon sa diksyunaryo, makinig sa audio recording ng publikasyon, o magpatulong sa mahusay magbasa.
Magsalita nang malinaw. Bigkasing mabuti ang mga salita, ibukang mabuti ang bibig, at huwag yumuko. Sikaping bigkasin ang bawat pantig.