PAGPAPASIMULA NG PAKIKIPAG-USAP
ARALIN 6
Hindi Natatakot
Prinsipyo: “Nag-ipon kami ng lakas ng loob sa tulong ng ating Diyos para masabi namin sa inyo ang mabuting balita.”—1 Tes. 2:2.
Ang Ginawa ni Jesus
1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Lucas 19:1-7. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:
Bakit kaya posibleng iniiwasan ng mga tao si Zaqueo?
Bakit ibinahagi pa rin ni Jesus sa kaniya ang mabuting balita?
Ang Matututuhan Natin kay Jesus
2. Kailangan nating labanan ang takot para maipangaral ang Kaharian sa lahat ng tao.
Tularan si Jesus
3. Umasa kay Jehova. Nakatulong kay Jesus ang espiritu ng Diyos para makapangaral, at iyan din ang makakatulong sa iyo. (Mat. 10:19, 20; Luc. 4:18) Kung natatakot kang mangaral sa isang tao, hilingin kay Jehova na bigyan ka ng katapangan.—Gawa 4:29.
4. Huwag manghusga. Baka mag-alangan tayong kausapin ang isang tao dahil sa hitsura niya, kalagayan sa buhay, lifestyle, o paniniwala. Pero tandaan:
Nakakabasa ng puso si Jehova at si Jesus; tayo hindi.
Kayang tulungan ni Jehova ang sinumang tao.
5. Maging matapang pero magalang pa rin at maingat. (Mat. 10:16) Huwag makipagtalo. Kung ayaw makinig ng kausap mo sa mabuting balita o mukhang delikado ang sitwasyon, magalang na magpaalam.—Kaw. 17:14.