AWIT 31
Lumakad na Kasama ng Ating Diyos
Printed Edition
1. Halina’t tayo’y lumakad
Kasama ng ating Diyos.
Ika’y umasa lagi sa kaniya.
Siya ang iyong lapitan.
Salita niya ay gawing gabay
Upang ’di maligaw.
Kamay mo’y hahawakan niya,
Sundan siya bawat araw.
2. Maging banal sa paglakad
Kasama ni Jehova.
Laging isipin ang mga bagay
na totoo’t dalisay.
Palaging isaalang-alang
Kaniyang kaisipan.
Kahit sa anumang tukso,
Makapaninindigan.
3. Anong ligayang lumakad
Bilang kaibigan ng Diyos.
Pasalamatan ang ’nilalaang
regalo’t pagpapala.
Puso mo ay may kagalakan;
Umawit sa kaniya.
At malalaman ng lahat,
Ikaw ay kay Jehova.
(Tingnan din ang Gen. 5:24; 6:9; Fil. 4:8; 1 Tim. 6:6-8.)