AWIT 4
“Si Jehova ang Aking Pastol”
(Awit 23)
1. Aking Pastol si Jehova;
Pag-akay niya’y susundan.
Alam niya ang nasa puso ko
At tunay na kailangan.
Sa matubig na pastulan,
Ako’y inaakay niya.
Kailanma’y hindi niya ’ko iiwan,
Laa’y kapayapaan.
Kailanma’y ’di niya ’ko iiwan,
Laa’y kapayapaan.
2. Daan mo’y anong ginhawa,
Landas ng kat’wiran mo.
Tulungang huwag lumihis dito,
Ito ang hiling sa ’yo.
Kahit pa sa kadiliman,
Walang katatakutan.
Ikaw ang aking tanging sandigan,
Aking Diyos at Kaibigan.
Ikaw ang tangi kong sandigan,
Aking Diyos at Kaibigan.
3. Pastol ko’y ikaw, Jehova.
Pag-akay mo’y susundan.
Lakas ko at kapahingahan
ay ’yong inilalaan.
Pag-asa na ’binigay mo,
Ito’y tiyak na kakamtin.
Ang tapat na pag-ibig mo sana’y
manatili sa akin.
Tapat na pag-ibig mo sana’y
manatili sa akin.
(Tingnan din ang Awit 28:9; 80:1.)