AWIT 89
Makinig at Sumunod Upang Pagpalain Ka
1. Natutuhan natin kay Jesu-Kristo,
Dulot sa ’tin nito’y kagalakan.
Ngunit upang pagpalain din tayo,
Dapat sundin ating napakinggan.
(KORO)
Makinig at sumunod
Sa kalooban ng Diyos.
Upang ika’y pagpalaing lubos,
Makinig at sumunod.
2. Ating buhay tulad ng isang bahay
Na ’tinayo sa batong matibay.
Kung turo ni Kristo ang siyang patnubay,
Buhay natin ay magtatagumpay!
(KORO)
Makinig at sumunod
Sa kalooban ng Diyos.
Upang ika’y pagpalaing lubos,
Makinig at sumunod.
3. Katulad ng puno sa may tubigan,
Nagbubunga sa kapanahunan.
Bilang anak, sundin ang kahilingan—
Pag-asa’y buhay na walang hanggan.
(KORO)
Makinig at sumunod
Sa kalooban ng Diyos.
Upang ika’y pagpalaing lubos,
Makinig at sumunod.
(Tingnan din ang Deut. 28:2; Awit 1:3; Kaw. 10:22; Mat. 7:24-27; Luc. 6:47-49.)