C3
Mga Talata sa Mateo Kung Saan Lumitaw ang Pangalan ni Jehova Kahit Hindi Mula sa Tuwiran o Di-tuwirang Pagsipi
MATEO 1:20 “anghel ni Jehova”
DAHILAN: Kyʹri·os (Panginoon) ang mababasa sa mga natitirang manuskritong Griego sa ngayon, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin sa mismong teksto ang pangalan ng Diyos. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Makikita sa kontekstong ito na ang tinutukoy ay ang Diyos. Maraming beses na ginamit sa “Lumang Tipan” ang ekspresyon sa Hebreo na “anghel ni Jehova,” at ang unang paglitaw nito ay sa Genesis 16:7. Kapag ang ekspresyong “anghel ni Jehova” ay lumilitaw sa unang mga kopya ng Septuagint, na Griegong salin ng “Lumang Tipan,” ang salitang Griego na agʹge·los (anghel; mensahero) ay sinusundan ng pangalan ng Diyos sa letrang Hebreo. Ganiyan ang makikita sa Zacarias 3:5, 6 sa isang kopya ng Griegong Septuagint na natagpuan sa Nahal Hever, Israel, na ayon sa ilang iskolar ay mula pa noong 50 B.C.E. hanggang 50 C.E. Kapansin-pansin na sa mas bagong mga kopya ng Griegong Septuagint, nang palitan ang pangalan ng Diyos ng terminong Kyʹri·os sa talatang ito at sa iba pang teksto, walang tiyak na pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Kaya ang pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan at ang kawalan ng tiyak na pantukoy ay nagpapakitang ang Kyʹri·os ay ipinalit sa pangalan ng Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit ginamit ang pangalang Jehova sa mismong teksto.
REPERENSIYA:
Sa A Greek-English Lexicon of the New Testament and Other Early Christian Literature, na nirebisa at inedit ni F. W. Danker, 2000, (p. 576-577), nakalista ang Mateo 1:20, 24; 2:13, 19; 28:2 sa ilalim ng depinisyon ng “panginoon” na “katawagan para sa Diyos.” Sinasabi nito: “Dahil walang pantukoy . . . , gaya ito ng isang personal na pangalan.”
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Mateo 1:20, 24; 2:13, 19; 28:2 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit sa Bagong Tipan para tumukoy kay Yahweh o sa Diyos.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Matthew’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 44 tungkol sa talatang ito: “Walang pantukoy kasama ng [mga salitang Griego na agʹge·los Ky·riʹou, “anghel ng Panginoon”], kaya isa ito sa mga anghel ni Yahweh . . . Puwede nating ipagpalagay na ang anghel na ito ay si Gabriel, na siya ring nagpakita kay Maria, ‘ang Makapangyarihang Isa ni Jehova,’ o, ‘Mandirigma ni Jehova.’”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa talatang ito (at sa talababa rin ng Mateo 1:24 at 2:13): “‘Panginoon’ na walang pantukoy, na laging tumutukoy kay ‘Jehova.’”
Sinasabi ng The Restored New Testament, ni Willis Barnstone, 2009, sa isang talababa sa ekspresyong “isang anghel ng Panginoon”: “Mula sa Griego na . . . (angelos kyriou), mula sa Hebreo na . . . (malakh yahweh), . . . Ang literal na salin ay malakh, o ‘mensahero,’ ni Yahweh.” Isinalin ito sa mismong teksto ng Mateo 28:2 na: “Isang anghel ni Yahweh.”
Ginamit sa Complete Jewish Bible, ni David H. Stern, 1998, ang malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa salitang “ADONAI” sa talatang ito. Sa introduksiyon ng Bibliyang ito, sinabi ng tagapagsalin: “Ang salitang ‘ADONAI’ ay ginagamit . . . kapag naniniwala ako bilang tagapagsalin na ang salitang Griego na ‘kurios’ ay ipinampalit sa tetragrammaton.”
Ang The Companion Bible, na may mga komentaryo ni E. W. Bullinger, na inilimbag noong 1999, ay gumamit ng malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa PANGINOON sa mismong teksto ng Mateo 1:20 at naglagay ng talababa: “ang PANGINOON = Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J3, 4, 7-14, 16-18, 22-24, 28-36, 38-41, 43, 45-52, 55, 59-61, 63, 65, 66, 88, 90, 93-96, 100-102, 104-106, 110, 114-117, 125, 128, 138, 144-147, 154, 167, 169, 175, 187, 190, 201, 226, 243, 253, 254, 262, 263, 265, 268, 271, 273, 275, 290, 295, 310, 315-317, 320, 322-325
MATEO 1:22 “sinabi ni Jehova”
DAHILAN: Kyʹri·os (Panginoon) ang mababasa sa mga natitirang manuskritong Griego sa ngayon, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin sa mismong teksto ang pangalan ng Diyos. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Makikita sa kontekstong ito na ang tinutukoy ay ang Diyos. Ang siniping bahagi na makikita sa kasunod na talata (Mateo 1:23) ay mula sa Isaias 7:14, na isang hulang sinabi ni Jehova sa pamamagitan ni Isaias. Kapansin-pansin din na sa talatang ito, walang tiyak na Griegong pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Kaya ang pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan at ang kawalan ng tiyak na pantukoy ay nagpapakitang ang Kyʹri·os ay ipinalit sa pangalan ng Diyos.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Mateo 1:22 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Matthew’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 52 tungkol sa talatang ito: “Ang istilong ito, ‘para matupad ang sinabi ng Panginoon (Κύριος [Kyʹri·os] na tumutukoy kay Yahweh) sa pamamagitan ng propeta,’ ay paulit-ulit na ginamit ni Mateo sa buong Ebanghelyo niya, na naiiba lang nang kaunti kung minsan. . . . Ang talagang nagsasalita ay si Yahweh, at ang propeta ang ginamit niyang tagapagsalita (διά [di·aʹ]).”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa talababa sa talatang ito at sa Mateo 2:15: “‘Panginoon’ na walang pantukoy, na laging tumutukoy kay ‘Jehova.’”
Ang The Companion Bible, na may mga komentaryo ni E. W. Bullinger, na inilimbag noong 1999, ay gumamit ng malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa PANGINOON sa mismong teksto ng Mateo 1:22 at nagpaliwanag sa Apendise 98: “Tumutukoy kay Jehova . . . at ‘PANGINOON’ ang ginamit sa lahat ng paglitaw.”
Sinabi ng Vine’s Complete Expository Dictionary of Old and New Testament Words, 1985, nina Vine, Unger, at White, tungkol sa pangalan ng Diyos sa talatang ito: “Kurios ang ipinanumbas sa Septuagint at Bagong Tipan para sa Hebreo na Jehova (‘LORD’ sa mga bersiyong Ingles), tingnan ang Mat. 4:7; Sant. 5:11, halimbawa ng adon, Panginoon, Mat. 22:44, at ng Adonay, Panginoon, 1:22.”
Sa ika-3261 entry sa Mounce’s Complete Expository Dictionary of Old and New Testament Words, 2006, ni William D. Mounce, mababasa ang depinisyong ito: “Kyrios . . . ang Panginoong Jehova, Mat. 1:22.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J1-4, 7-14, 16-18, 22-24, 26, 28-36, 38-41, 43, 45-50, 52, 59-61, 63, 65, 66, 88, 90, 93-95, 100-102, 104-106, 110, 114-117, 130, 138, 143-147, 154, 155, 167, 169, 175, 187, 190, 201, 203, 217, 226, 245, 250, 254, 262, 263, 265, 268, 271, 273, 275, 290, 295, 310, 315-317, 320, 323-325
MATEO 1:24 “anghel ni Jehova”
DAHILAN: Tingnan ang paliwanag sa Mateo 1:20.
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J1-4, 7-14, 16-18, 22-24, 28-36, 38-41, 43, 45-50, 52, 59-61, 63, 65, 66, 88, 90, 93-95, 100-102, 104, 105, 110, 115-117, 128, 138, 144-147, 154, 155, 167, 169, 175, 187, 190, 201, 226, 245, 262, 263, 265, 271, 273, 275, 290, 295, 310, 315-317, 320, 322-325
MATEO 2:13 “anghel ni Jehova”
DAHILAN: Tingnan ang paliwanag sa Mateo 1:20.
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J1-4, 6-14, 16-18, 22-24, 28-36, 39, 40, 43, 45-50, 52, 59-61, 63, 65, 66, 88, 90, 93-95, 100-102, 104-106, 110, 114-117, 128, 130, 138, 144-147, 154, 155, 167, 169, 175, 185, 187, 190, 201, 250, 262, 263, 265, 268, 271, 273, 275, 290, 295, 310, 315-317, 320, 322-325
MATEO 2:15 “sinabi ni Jehova”
DAHILAN: Ang siniping bahagi sa tekstong ito ay mula sa Oseas 11:1, at malinaw na makikita sa Oseas 11:11 na ang Diyos na Jehova ang nagsabi nito.—Tingnan ang paliwanag sa Mateo 1:22.
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J1, 3, 4, 6-14, 16-18, 22-24, 28-36, 38-41, 43, 45-50, 52, 59, 61-63, 65, 66, 88, 93-95, 100-102, 104-106, 110, 114-117, 125, 128, 130, 138, 145-147, 154, 155, 163, 166, 167, 169, 175, 185, 187, 190, 201, 203, 217, 226, 243, 250, 262, 263, 265, 268, 271, 273, 275, 290, 295, 315-317, 320, 322-325
MATEO 2:19 “anghel ni Jehova”
DAHILAN: Tingnan ang paliwanag sa Mateo 1:20.
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J1-4, 6-14, 16-18, 22-24, 28-36, 38-40, 43, 45-50, 52, 59-61, 63, 65, 66, 88, 90, 93-95, 100-102, 104-106, 114-117, 125, 128, 130, 138, 144-147, 154, 155, 167, 169, 175, 185, 187, 190, 201, 243, 250, 262, 263, 265, 268, 271, 273, 275, 290, 295, 310, 315-317, 320, 322-325
MATEO 28:2 “anghel ni Jehova”
DAHILAN: Tingnan ang paliwanag sa Mateo 1:20.
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J1-4, 7-13, 16-18, 22-24, 28-36, 38, 40, 41, 43, 45-47, 49-52, 55, 60, 61, 63, 65, 66, 88, 90, 93-95, 100-102, 104-106, 114-117, 128, 138, 144-147, 154, 155, 160, 163, 167, 175, 187, 190, 201, 226, 262, 263, 265, 271, 273, 275, 290, 295, 308, 310, 317, 320, 322-325