Dalawang Babae sa Isang Makasagisag na Drama
Sa liham ni Pablo sa mga Kristiyano sa Galacia, binanggit niya ang “isang makasagisag na drama,” kung saan may espesyal na mga papel ang asawa ni Abraham na si Sara at ang pangalawahin niyang asawa na si Hagar. (Gal 4:24) Sinabi ni Pablo na si Hagar, isang alipin, ay kumakatawan sa “Jerusalem ngayon,” ang kabisera ng Israel noong panahon ni Pablo. Sumasagisag ang supling ni Hagar sa mga Judio na sumusunod pa rin sa Kautusang Mosaiko at sa sistema nito ng paghahandog ng mga hayop. (Gal 4:25) Si Sara naman, na isang taong malaya, ay kumakatawan sa “Jerusalem sa itaas,” ang makasagisag na babae ng Diyos, ang makalangit na tulad-asawang organisasyon niya ng mga espiritu. Meron din siyang makasagisag na supling, si Kristo at ang mga kapatid niyang pinahiran ng espiritu. (Gal 3:16, 28, 29; 4:26) Ang mga kapatid ni Jesus at ang mga kasama nila ay sumasamba kay Jehova sa pamamagitan ng kanilang Kristiyanong paraan ng pamumuhay; kasama rito ang paghahayag ng pangalan ni Jehova sa mga tao at pagtitipon sa mga pulong ng kongregasyon. (Heb 10:23, 25; 13:15) Sa aklat ng Galacia, ipinakita ni Pablo na magiging tunay na malaya lang ang mga mananamba ng Diyos kung tapat silang susunod kay Kristo.—Gal 5:1.
Kaugnay na (mga) Teksto: