Kasuotang Pandigma ng mga Sundalong Romano
Sa liham ni apostol Pablo sa mga taga-Efeso, ginamit niya ang kasuotang pandigma para ilarawan ang espirituwal na proteksiyon na kailangan ng isang lingkod ni Jehova. (Efe 6:11-17) Posibleng ang nasa isip ni Pablo ay ang kasuotang pandigma ng mga sundalong Romano. Ang lahat ng bahagi ng ganitong kasuotan ay mahalaga para maprotektahan ang isang sundalo sa labanan. Sa espirituwal na kasuotang pandigma na binanggit ni Pablo, mayroong sinturon, baluti, sandalyas, malaking kalasag, helmet, at espada. Makikita sa video na ito ang posibleng hitsura ng iba’t ibang bahagi ng kasuotang pandigma ng mga Romano noon.
Kaugnay na (mga) Teksto: