“Isang Koronang Nasisira”
Sa unang liham ni apostol Pablo sa mga taga-Corinto, binanggit niya ang mga atletang nagsisikap “para tumanggap ng isang koronang nasisira.” Posibleng ang tinutukoy ni Pablo ay ang premyo ng mga nananalong atleta sa Palarong Isthmian. Ginaganap ang mga palarong ito malapit sa Corinto. Nang isulat ni Pablo ang liham niya, malamang na ang mga korona ay gawa sa dahon ng pino, pero may ilan ding gawa sa dahon ng seleri. Pareho itong madaling masira. Ipinapakita nito ang pagkakaiba ng panandaliang kaluwalhatian na tinatanggap ng mga atleta at ng walang-hanggang kaluwalhatian na tatanggapin ng mga pinahirang Kristiyano na mamamahalang kasama ni Kristo.—1Co 9:25.
Kaugnay na (mga) Teksto: