Mga Paglalakbay ni Pablo Pagkatapos ng mga 61 C.E.
Mababasa sa aklat ng Gawa ang marami sa mga unang paglalakbay ni Pablo, gaya ng tatlong paglalakbay niya bilang misyonero at ng paglalakbay niya mula Cesarea papuntang Roma. Pero may makukuhang impormasyon sa mga liham ni Pablo tungkol sa mga paglalakbay niya pagkatapos ng unang pagkabilanggo niya sa Roma (pagkatapos ng mga 61 C.E.) na hindi mababasa sa Gawa. Halimbawa, isinulat ni Pablo ang plano niyang ‘magpunta sa Espanya,’ pero hindi malinaw kung nagawa niya iyon bago ang ikalawang pagkabilanggo niya (mga 65 C.E.). (Ro 15:24) Noong unang pagkabilanggo ni Pablo sa Roma, isinulat niyang gusto niyang bumalik sa Filipos at bumisita sa Colosas. (Fil 2:24; Flm 22; ihambing ang Col 4:9.) Sa mga liham naman ni Pablo kina Tito at Timoteo, na isinulat niya pagkatapos ng unang pagkabilanggo niya sa Roma, nagbigay siya ng iba pang detalye tungkol sa mga paglalakbay niya. Posibleng nasa Efeso siya noong mga panahong ito kasama si Timoteo. (1Ti 1:3) Mababasa sa Tit 3:12 na sa Nicopolis niya piniling magpalipas ng taglamig. Makikita sa mapang ito ang ilan sa mga lugar na posibleng binisita ni Pablo.
1. Espanya—Ro 15:24 (pagkatapos ng mga 61 C.E.)
2. Creta—Tit 1:5 (mga 61-64 C.E.)
3. Mileto—2Ti 4:20 (bago ang mga 65 C.E.)
4. Colosas—Flm 22 (Ihambing ang Col 4:9 sa Flm 10-12.) (pagkatapos ng 61 C.E.)
5. Efeso—1Ti 1:3 (mga 61-64 C.E.)
6. Troas—2Ti 4:13 (bago ang mga 65 C.E.)
7. Filipos—Fil 2:24 (pagkatapos ng 61 C.E.)
8. Macedonia—1Ti 1:3 (mga 61-64 C.E.)
9. Nicopolis—Tit 3:12 (Posibleng inaresto si Pablo sa Nicopolis noong mga 64 o 65 C.E.)
10. Roma—2Ti 1:17 (ikalawang pagkabilanggo ni Pablo, malamang na 65 C.E.)
Ang mga taon na nasa panaklong ay ang tinatayang panahon kung kailan siya nagpunta sa mga lugar na ito
Kaugnay na (mga) Teksto: