KAHON 18A
Mga Babala ni Jehova Tungkol sa Nalalapit na Matinding Digmaan
Maraming hula sa Bibliya ang nagbababala tungkol sa digmaan na gagamitin ni Jehova para puksain ang lahat ng kaaway niya at ng bayan niya. Narito ang ilan sa mga iyon. Pansinin ang pagkakatulad ng mga babalang ito at kung paano tiniyak ni Jehova na malalaman ito ng lahat para magkaroon sila ng pagkakataong kumilos ayon dito.
PANAHON NG SINAUNANG ISRAEL
EZEKIEL: “‘Magpapadala ako ng isang espada laban [kay Gog] sa lahat ng aking bundok,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”—Ezek. 38:18-23.
JEREMIAS: “[Si Jehova] mismo ang hahatol sa lahat ng tao. At ang masasama ay ibibigay niya sa espada.”—Jer. 25:31-33.
DANIEL: “Ang Diyos ng langit ay magtatatag ng isang kaharian . . . Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng kahariang iyon.”—Dan. 2:44.
UNANG SIGLO C.E.
JESUS: “Magkakaroon ng malaking kapighatian na hindi pa nangyayari mula nang pasimula ng mundo.”—Mat. 24:21, 22.
PABLO: ‘Si Jesus, kasama ang makapangyarihang mga anghel niya, ay maghihiganti sa mga hindi nakakakilala sa Diyos.’—2 Tes. 1:6-9.
PEDRO: “Ang araw ni Jehova ay darating na gaya ng magnanakaw, . . . at ang lupa at ang mga gawang naroon ay mahahantad.”—2 Ped. 3:10.
JUAN: “Lumabas sa bibig [ni Jesus] ang isang matalas at mahabang espada na gagamitin niya para saktan ang mga bansa.”—Apoc. 19:11-18.
NGAYON
Ang Bibliya ang aklat na may pinakamaraming salin at kopyang naipamahagi sa buong kasaysayan
ANG MGA LINGKOD NI JEHOVA SA NGAYON AY . . .
Namamahagi ng bilyon-bilyong kopya ng salig-Bibliyang publikasyon sa daan-daang wika
Gumugugol ng daan-daang milyong oras bawat taon sa pangangaral