KAHON 19B
Ang Kaunting Tubig ay Naging Malalim na Ilog!
Tinitingnan ni Ezekiel ang kaunting tubig na umaagos mula sa santuwaryo ni Jehova na makahimalang naging napakalalim na ilog sa loob lang ng mga dalawang kilometro! Nakakita rin siya sa pampang ng mayayabong na puno na naglalaan ng pagkain at pampagaling. Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito?
Ang Ilog ng Pagpapala
NOON: Pagbalik ng mga tapon sa lupain nila, umagos sa kanila ang mga pagpapala habang tumutulong sila sa pagbabalik ng dalisay na pagsamba sa templo
NGAYON: Noong 1919, ibinalik ang dalisay na pagsamba, at dumaloy ang napakaraming espirituwal na pagpapala sa tapat na mga lingkod ng Diyos
SA HINAHARAP: Pagkatapos ng Armagedon, dadaloy ang pisikal at espirituwal na pagpapala mula kay Jehova
Tubig na Nagbibigay-Buhay
NOON: Saganang pinagpala ni Jehova ang masunuring bayan niya; kahit dumami sila, nasapatan ang espirituwal na pangangailangan nila
NGAYON: Sa lumalagong espirituwal na paraiso, parami nang parami ang nakikinabang sa lumalaking daloy ng espirituwal na pagpapalang nagbibigay- buhay
SA HINAHARAP: Makakasama ng mga makaliligtas sa Armagedon ang milyon-milyong bubuhayin, at saganang pagpapalain ni Jehova ang lahat
Mga Puno na Naglalaan ng Pagkain at Pampagaling
NOON: Pinakain ni Jehova sa espirituwal ang tapat na bayan niya sa kanilang ibinalik na lupain; pinagaling niya rin sila mula sa kanilang matagal na espirituwal na pagkakasakit
NGAYON: Ang saganang suplay ng espirituwal na pagkain ay tumutulong sa mga tao para hindi sila magkasakit o magutom sa espirituwal
SA HINAHARAP: Tutulungan ni Kristo at ng 144,000 kasama niyang tagapamahala ang lahat ng masunuring tao na maging perpekto at manatiling malusog at malakas magpakailanman!