ARALIN 25
Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Atin?
Sinasabi ng Bibliya na “maikli at punô ng problema” ang buhay ng tao. (Job 14:1) Ito ba talaga ang gustong mangyari ng Diyos para sa atin? Kung hindi, ano ang gusto niya para sa atin? Mangyayari kaya iyon? Tingnan ang sagot ng Bibliya.
1. Anong uri ng buhay ang gusto ng Diyos para sa atin?
Gusto ni Jehova ang pinakamagandang buhay para sa atin. Nang lalangin niya ang unang mga tao, sina Adan at Eva, inilagay niya sila sa magandang paraiso—ang hardin ng Eden. Pagkatapos, “pinagpala sila ng Diyos at sinabi: ‘Magpalaanakin kayo at magpakarami, punuin ninyo ang lupa at pangasiwaan iyon.’” (Genesis 1:28) Gusto ni Jehova na magkaroon ng mga anak ang mga tao, gawing paraiso ang buong mundo, at alagaan ang mga hayop. Layunin niya na magkaroon ng perpektong kalusugan ang lahat ng tao at mabuhay sila magpakailanman.
Kahit hindi ganito ang buhay natin ngayon,a hindi nagbago ang layunin ng Diyos. (Isaias 46:10, 11) Gusto pa rin niya na mabuhay magpakailanman ang tapat na mga tao sa isang napakagandang kalagayan.—Basahin ang Apocalipsis 21:3, 4.
2. Paano magiging masaya at makabuluhan ang buhay natin ngayon?
Normal sa mga tao na maramdaman na “kailangan nila ang Diyos”—ang kilalanin at sambahin siya—kasi ganiyan tayo ginawa ni Jehova. (Basahin ang Mateo 5:3-6.) Gusto niya na magkaroon tayo ng malapít na kaugnayan sa kaniya, “lumakad sa lahat ng daan niya, ibigin siya,” at paglingkuran siya “nang buong puso.” (Deuteronomio 10:12; Awit 25:14) Kapag ginawa natin iyan, magiging masaya tayo kahit may mga problema tayo. At kapag sinamba natin si Jehova, magiging makabuluhan ang buhay natin.
PAG-ARALAN
Tingnan kung paano ipinakita ni Jehova ang pag-ibig niya sa atin nang gawin niya ang lupa, at ang itinuturo ng Salita niya tungkol sa layunin ng buhay.
3. Napakaganda ng layunin ni Jehova para sa mga tao
Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Bakit ginawa ng Diyos ang magandang planeta natin?
Basahin ang Eclesiastes 3:11. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Ano ang itinuturo ng tekstong ito tungkol kay Jehova?
4. Hindi nagbago ang layunin ni Jehova
Basahin ang Awit 37:11, 29 at Isaias 55:11. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Paano natin nalaman na hindi nagbago ang layunin ni Jehova para sa atin?
5. Magiging masaya at makabuluhan ang buhay natin kapag sinamba natin si Jehova
Magiging masaya tayo kapag alam natin ang layunin ng buhay. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Ano ang naging epekto kay Terumi nang malaman niya ang layunin ng buhay?
Basahin ang Eclesiastes 12:13. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Dahil maraming ginawa si Jehova para sa atin, ano ang obligasyon natin?
KUNG MAY MAGTANONG: “Ano ba talaga ang layunin ng buhay?”
Ano ang isasagot mo?
SUMARYO
Gusto ni Jehova na mabuhay tayo magpakailanman sa isang napakagandang kalagayan dito sa lupa. Kapag sinamba natin siya nang buong puso, magiging mas masaya at makabuluhan ang buhay natin.
Ano ang Natutuhan Mo?
Ano ang orihinal na layunin ni Jehova para kina Adan at Eva?
Paano natin nalaman na hindi nagbago ang layunin ng Diyos para sa mga tao?
Paano magiging mas masaya at makabuluhan ang buhay mo?
TINGNAN DIN
Tingnan ang mga ebidensiya na talagang may hardin ng Eden noon.
“Ang Hardin ng Eden—Alamat o Katotohanan?” (Ang Bantayan, Enero 1, 2011)
Pag-aralan kung bakit tayo makakatiyak na hindi magugunaw ang mundo.
Alamin ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa layunin ng buhay.
Inakala ng isang lalaki na nasa kaniya na ang lahat, pero may kulang pala sa buhay niya. Alamin kung paano niya ito nakita.
a Sa susunod na aralin, tatalakayin natin kung ano ang nangyari.