BIKAT-AVEN
[Kapatagang Libis ng Pananakit (Bagay na Nakasasakit)].
Isang lugar o kapatagang libis na iniugnay sa Damasco at Bet-eden sa hula ni Jehova sa pamamagitan ni Amos na patiunang nagsasabi ng pagkatapon ng bayan ng Sirya. (Am 1:5) Dahil walang anumang rekord ng isang Siryanong lunsod o bayan na may gayong pangalan, iniuugnay ng ilang iskolar ang Bikat-aven sa Libis ng Beqaʽ sa pagitan ng mga kabundukan ng Lebanon at ng Anti-Lebanon. Ang inihulang paglipol sa mga tumatahan sa Bikat-aven ay maliwanag na nangyari dahilan sa panlulupig ng Asiryanong si Haring Tiglat-pileser III sa Sirya.—2Ha 16:9, 10.