SINAR
Ang orihinal na pangalan ng lugar sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at ng Eufrates na nang dakong huli ay tinawag na Babilonia. Doon nagsimulang maghari si Nimrod sa Babel, Erec, Acad, at Calne, at kung saan natigil ang pagtatayo ng templong tore ng Babel. (Gen 10:9, 10; 11:2-8) Nang maglaon, ang hari ng Sinar, si Amrapel, ang isa sa mga magkakakampi na kumuhang bihag sa pamangkin ni Abraham na si Lot. (Gen 14:1, 9, 12) Ang teritoryong ito ay tinatawag pa rin sa orihinal nitong pangalan noong mga araw ni Josue. (Jos 7:21) Tinukoy ito ng mga propetang sina Isaias, Daniel, at Zacarias.—Isa 11:11; Dan 1:2; Zac 5:11; tingnan ang BABEL; BABILONYA Blg. 2.