LOG
Ang pinakamaliit na panukat ng likido na binanggit sa Bibliya. Ipinahihiwatig ng mga katibayan sa Talmud na ang log ay katumbas ng ikalabindalawa ng isang hin, o 0.014 bat. Batay sa mga tuklas sa arkeolohiya, ang bat ay tinatayang may sukat na 22 L (5.81 gal). Kung tama ang sukat na ito, ang isang takal na log ay makapaglalaman ng mga 0.31 L (0.66 pt). Ang isang takal na log ng langis ay bahagi ng itinakdang handog ng isang nilinis na ketongin.—Lev 14:2, 10, 12, 15, 21, 24.