HOMER
Isang panukat ng tuyong bagay na katumbas ng kor at katumbas din ng sampung bat o sampung epa. (Eze 45:11, 14) Batay sa tinatayang dami ng takal na bat, ang epa ay tinutuos na 22 L (20 tuyong qt). Sa gayon, ang homer ay katumbas ng 220 L (200 tuyong qt). (Os 3:2) Sa ilang, nagtipon ang sakim na mga Israelita ng napakaraming pugo, na makahimalang inilaan, anupat “ang nanguha ng pinakakaunti ay nakapagtipon ng sampung homer” (2,200 L; 2,000 tuyong qt; 62 bushel). (Bil 11:32) Binabanggit din ng Kasulatan ang homer bilang panukat ng sebada, binhi, at trigo.—Lev 27:16; Isa 5:10; Eze 45:13.