2 Samuel
5 Nang maglaon ay pumaroon kay David+ sa Hebron+ ang lahat ng tribo ng Israel at nagsabi: “Narito! Kami mismo ay iyong buto at iyong laman.+ 2 Kapuwa kahapon at noong una+ habang si Saul ay hari sa amin, ikaw ang naglalabas at nagpapasok sa Israel.+ At sinabi sa iyo ni Jehova, ‘Ikaw ang magpapastol+ sa aking bayang Israel, at ikaw ang magiging lider+ sa Israel.’ ” 3 Kaya ang lahat ng matatandang lalaki+ ng Israel ay pumaroon sa hari sa Hebron, at si Haring David ay nakipagtipan+ sa kanila sa Hebron sa harap ni Jehova; pagkatapos nito ay pinahiran+ nila si David bilang hari sa Israel.+
4 Tatlumpung taóng gulang si David nang siya ay maging hari. Sa loob ng apatnapung taon+ ay namahala siya bilang hari. 5 Sa Hebron ay namahala siya bilang hari sa Juda sa loob ng pitong taon at anim na buwan;+ at sa Jerusalem+ ay namahala siya bilang hari sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon sa buong Israel at Juda. 6 At ang hari at ang kaniyang mga tauhan ay pumaroon sa Jerusalem laban sa mga Jebusita+ na nananahanan sa lupain, at sinabi nila kay David: “Hindi ka papasok dito, kundi tiyak na paaalisin+ ka ng mga bulag at ng mga pilay,” dahil iniisip nila: “Si David ay hindi papasok dito.” 7 Gayunman, binihag ni David ang moog ng Sion,+ na siyang Lunsod ni David.+ 8 Kaya sinabi ni David nang araw na iyon: “Ang sinumang mananakit sa mga Jebusita,+ sa pamamagitan ng inaagusan ng tubig+ ay makipagtagpo siya kapuwa sa pilay at sa bulag, na mga kapoot-poot sa kaluluwa ni David!” Kaya naman sinasabi nila: “Ang bulag at ang pilay ay hindi papasok sa bahay.” 9 At si David ay nanahanan sa moog, at tinawag itong Lunsod ni David; at si David ay nagsimulang magtayo sa buong palibot mula sa Gulod+ at papaloob. 10 Kaya nga si David ay patuloy na dumakila nang dumakila,+ at si Jehova na Diyos ng mga hukbo+ ay sumasakaniya.+
11 At si Hiram+ na hari ng Tiro ay nagpadala ng mga mensahero+ kay David, at gayundin ng mga punong sedro+ at mga manggagawa sa kahoy at mga manggagawa sa bato para sa mga pader, at pinasimulan nilang ipagtayo ng bahay si David.+ 12 At nalaman ni David na itinatag siyang matibay ni Jehova bilang hari sa Israel+ at na itinaas+ niya ang kaniyang kaharian alang-alang sa kaniyang bayang Israel.+
13 Samantala, si David ay kumuha pa ng mga babae+ at mga asawa+ mula sa Jerusalem pagkagaling niya sa Hebron; at marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae ang ipinanganak kay David. 14 At ito ang mga pangalan niyaong mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem: si Samua+ at si Sobab+ at si Natan+ at si Solomon,+ 15 at si Ibhar at si Elisua+ at si Nepeg+ at si Japia,+ 16 at si Elisama+ at si Eliada at si Elipelet.+
17 At narinig ng mga Filisteo na pinahiran nila si David bilang hari sa Israel.+ Dahil dito ay umahon ang lahat ng mga Filisteo upang hanapin si David. Nang marinig iyon ni David, siya ay lumusong sa dakong di-madaling puntahan.+ 18 At ang mga Filisteo, sa ganang kanila, ay pumasok at patuloy na naggalugad sa mababang kapatagan ng Repaim.+ 19 At si David ay nagsimulang sumangguni+ kay Jehova, na nagsasabi: “Aahon ba ako laban sa mga Filisteo? Ibibigay mo ba sila sa aking kamay?” Dahil dito ay sinabi ni Jehova kay David: “Umahon ka, sapagkat walang pagsalang ibibigay ko ang mga Filisteo sa iyong mga kamay.”+ 20 Kaya pumaroon si David sa Baal-perazim,+ at pinabagsak sila roon ni David. At sinabi niya: “Nilansag ni Jehova ang aking mga kaaway+ sa unahan ko, na tulad ng guwang na nalikha ng tubig.” Iyan ang dahilan kung bakit niya tinawag na Baal-perazim+ ang pangalan ng dakong iyon. 21 Sa gayon ay iniwan nila roon ang kanilang mga idolo,+ kung kaya inalis ni David at ng kaniyang mga tauhan ang mga iyon.+
22 Nang maglaon ay umahon pang muli+ ang mga Filisteo at naggalugad sa mababang kapatagan ng Repaim.+ 23 Dahil dito ay sumangguni+ si David kay Jehova, ngunit sinabi niya: “Huwag kang umahon. Lumigid ka sa likuran nila, at pumaroon ka laban sa kanila sa tapat ng mga palumpong na baca.+ 24 At mangyari nga, kapag narinig mo ang yabag ng paglalakad sa mga dulo ng mga palumpong na baca, sa pagkakataong iyon ay kumilos ka kaagad,+ sapagkat sa pagkakataong iyon ay lumabas na si Jehova sa unahan mo upang pabagsakin ang kampo ng mga Filisteo.”+ 25 At ginawa ni David ang gayon, gaya ng iniutos ni Jehova sa kaniya,+ at pinabagsak+ niya ang mga Filisteo mula sa Geba+ hanggang sa Gezer.+