2 Hari
20 Nang mga araw na iyon ay nagkasakit si Hezekias at nasa bingit na ng kamatayan.+ Kaya si Isaias+ na anak ni Amoz na propeta ay pumaroon sa kaniya at nagsabi sa kaniya: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Mag-utos ka sa iyong sambahayan,+ sapagkat ikaw ay talagang mamamatay at hindi mabubuhay.’ ”+ 2 Sa gayon ay iniharap niya sa pader+ ang kaniyang mukha at nagsimulang manalangin kay Jehova,+ na sinasabi: 3 “Nagsusumamo ako sa iyo, O Jehova, alalahanin mo,+ pakisuyo, kung paanong lumakad+ ako sa harap mo na may pagkamatapat+ at may pusong sakdal,+ at ang mabuti sa iyong paningin ay ginawa ko.”+ At si Hezekias ay nagsimulang tumangis nang labis-labis.+
4 At nangyari, si Isaias ay hindi pa nakalalabas sa panggitnang looban nang dumating sa kaniya ang salita ni Jehova,+ na nagsasabi: 5 “Bumalik ka, at sabihin mo kay Hezekias na lider+ ng aking bayan, ‘Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos+ ni David na iyong ninuno: “Narinig+ ko ang iyong panalangin.+ Nakita ko ang iyong mga luha.+ Narito, pagagalingin kita.+ Sa ikatlong araw ay aahon ka sa bahay ni Jehova.+ 6 At daragdagan ko nga ng labinlimang taon ang iyong mga araw, at mula sa palad ng hari ng Asirya ay ililigtas kita at ang lunsod na ito, at ipagtatanggol+ ko ang lunsod na ito alang-alang sa akin at alang-alang kay David na aking lingkod.” ’ ”+
7 At sinabi ni Isaias: “Kumuha kayo ng kakaning pinatuyong igos na pinipi.”+ Kaya kumuha sila at inilagay iyon sa bukol,+ pagkatapos ay unti-unti siyang gumaling.+
8 Samantala, sinabi ni Hezekias kay Isaias: “Ano ang tanda+ na pagagalingin ako ni Jehova at ako ay tiyak na aahon sa ikatlong araw sa bahay ni Jehova?” 9 Dito ay sinabi ni Isaias: “Ito ang tanda+ para sa iyo mula kay Jehova na isasagawa ni Jehova ang salita na sinalita niya: Susulong ba ang anino nang sampung baytang sa hagdan o aatras ba ito nang sampung baytang?” 10 Nang magkagayon ay sinabi ni Hezekias: “Madaling bagay sa anino na humaba nang sampung baytang, ngunit hindi ang pag-atras ng anino nang sampung baytang.”+ 11 Kaya si Isaias na propeta ay nagsimulang tumawag kay Jehova; at ang anino na nakababa na ay unti-unti niyang pinabalik sa mga baytang, samakatuwid ay sa mga baytang ng hagdan ni Ahaz, nang sampung baytang paatras.+
12 Nang panahong iyon ay nagpadala si Berodac-baladan+ na anak ni Baladan na hari ng Babilonya+ ng mga liham+ at ng isang kaloob kay Hezekias; sapagkat narinig niya na si Hezekias ay nagkasakit. 13 At si Hezekias ay nakinig sa kanila at ipinakita sa kanila ang kaniyang buong imbakang-yaman,+ ang pilak at ang ginto+ at ang langis ng balsamo+ at ang mainam na langis at ang kaniyang taguan ng mga armas at ang lahat ng masusumpungan sa kaniyang kabang-yaman. Walang anumang bagay na hindi ipinakita sa kanila ni Hezekias sa kaniyang sariling bahay at sa kaniyang buong pamunuan.+
14 Pagkatapos nito ay pumaroon si Isaias na propeta kay Haring Hezekias at sinabi sa kaniya:+ “Ano ang sinabi ng mga lalaking ito at saan sila nanggaling bago pumarito sa iyo?”+ Kaya sinabi ni Hezekias: “Nanggaling sila sa isang malayong lupain, mula sa Babilonya.” 15 At sinabi pa niya: “Ano ang nakita nila sa iyong bahay?” Dito ay sinabi ni Hezekias: “Ang lahat ng nasa aking bahay ay nakita nila. Wala akong hindi ipinakita sa kanila sa aking kabang-yaman.”+
16 At sinabi ni Isaias kay Hezekias: “Dinggin mo ang salita ni Jehova,+ 17 ‘ “Narito! Ang mga araw ay dumarating, at ang lahat ng nasa iyong sariling bahay+ at inimbak ng iyong mga ninuno hanggang sa araw na ito ay dadalhin nga sa Babilonya.+ Walang anumang maiiwan,”+ ang sabi ni Jehova. 18 “At ang ilan sa sarili mong mga anak na manggagaling sa iyo na ipanganganak sa iyo ay kukunin+ at magiging mga opisyal nga ng korte+ sa palasyo ng hari ng Babilonya.” ’ ”+
19 Sa gayon ay sinabi ni Hezekias kay Isaias: “Ang salita ni Jehova na sinalita mo ay mabuti.”+ At sinabi pa niya: “Hindi nga ba gayon, kung ang kapayapaan at katotohanan+ ay magpapatuloy sa aking sariling mga araw?”+
20 Kung tungkol sa iba pa sa mga pangyayari kay Hezekias at sa kaniyang buong kalakasan at kung paano niya ginawa ang tipunang-tubig+ at ang padaluyan+ at sa gayon ay dinala ang tubig sa lunsod, hindi ba nakasulat ang mga iyon sa aklat+ ng mga pangyayari nang mga araw ng mga hari ng Juda? 21 Sa wakas si Hezekias ay humigang kasama ng kaniyang mga ninuno;+ at si Manases+ na kaniyang anak ay nagsimulang maghari bilang kahalili niya.