1 Cronica
9 Kung tungkol sa lahat ng Israelita, sila ay nakatala sa talaangkanan;+ at doon sila nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Israel. At ang Juda ay dinala sa pagkatapon+ sa Babilonya dahil sa kanilang kawalang-katapatan. 2 At ang mga unang tumatahan na nasa kanilang pag-aari sa kanilang mga lunsod ay ang mga Israelita,+ ang mga saserdote,+ ang mga Levita+ at ang mga Netineo.+ 3 At sa Jerusalem+ nanahanan ang iba sa mga anak ni Juda+ at ang iba sa mga anak ni Benjamin+ at ang iba sa mga anak ni Efraim at ni Manases: 4 si Utai na anak ni Amihud na anak ni Omri na anak ni Imri na anak ni Bani, sa mga anak ni Perez+ na anak ni Juda.+ 5 At sa mga Shilonita,+ si Asaias na panganay at ang kaniyang mga anak. 6 At sa mga anak ni Zera,+ si Jeuel, at ang anim na raan at siyamnapung mga kapatid nila.
7 At sa mga anak ni Benjamin, si Sallu na anak ni Mesulam na anak ni Hodavias na anak ni Hasenua, 8 at si Ibneias na anak ni Jeroham, at si Elah na anak ni Uzi na anak ni Micri, at si Mesulam na anak ni Sepatias na anak ni Reuel na anak ni Ibnias. 9 At ang mga kapatid nila ayon sa kanilang mga inapo ay siyam na raan at limampu’t anim. Ang lahat ng ito ay mga lalaki na mga ulo ng mga ama ayon sa sambahayan ng kanilang mga ninuno.
10 At sa mga saserdote ay naroon sina Jedaias at Jehoiarib at Jakin,+ 11 at si Azarias+ na anak ni Hilkias na anak ni Mesulam na anak ni Zadok na anak ni Meraiot na anak ni Ahitub, isang lider sa bahay ng tunay na Diyos, 12 at si Adaias na anak ni Jeroham na anak ni Pasur na anak ni Malkias, at si Maasai na anak ni Adiel na anak ni Jahzera na anak ni Mesulam na anak ni Mesilemit+ na anak ni Imer, 13 at ang kanilang mga kapatid, mga ulo ng sambahayan ng kanilang mga ninuno, isang libo pitong daan at animnapu, makapangyarihang mga lalaki na may kakayahan+ para sa gawaing paglilingkod sa bahay ng tunay na Diyos.
14 At sa mga Levita ay naroon si Semaias na anak ni Hasub na anak ni Azrikam na anak ni Hasabias+ na mula sa mga anak ni Merari; 15 at si Bakbakar, si Heresh at si Galal, at si Matanias+ na anak ni Mica+ na anak ni Zicri+ na anak ni Asap,+ 16 at si Obadias na anak ni Semaias+ na anak ni Galal na anak ni Jedutun,+ at si Berekias na anak ni Asa na anak ni Elkana, na tumatahan sa mga pamayanan ng mga Netopatita.+
17 At ang mga bantay ng pintuang-daan+ ay sina Salum+ at Akub at Talmon at Ahiman at ang kanilang kapatid na si Salum na ulo, 18 at hanggang noon ay nasa pintuang-daan+ siya ng hari sa dakong silangan. Ito ang mga bantay ng pintuang-daan ng mga kampo ng mga anak ni Levi.+ 19 At si Salum na anak ni Kore na anak ni Ebiasap+ na anak+ ni Kora+ at ang kaniyang mga kapatid na mula sa sambahayan ng kaniyang ama na mga Korahita,+ na namamahala sa gawaing paglilingkod, ang mga bantay-pinto+ ng tolda, at ang kanilang mga ama na namamahala sa kampo ni Jehova, ang mga tagapag-ingat ng pasukang-daan. 20 At si Pinehas+ na anak ni Eleazar+ ang lider nila noong nakalipas. Si Jehova ay sumakaniya.+ 21 Si Zacarias+ na anak ni Meselemias ang bantay ng pintuang-daan sa pasukan ng tolda ng kapisanan.
22 Silang lahat na napili bilang mga bantay ng pintuang-daan sa mga pintuan ay dalawang daan at labindalawa. Sila ay nasa kanilang mga pamayanan+ ayon sa kanilang pagkakatala sa talaangkanan.+ Ito ang mga hinirang ni David+ at ni Samuel na tagakita+ sa kanilang katungkulan bilang katiwala.+ 23 At sila at ang kanilang mga anak ang namamahala sa mga pintuang-daan ng bahay ni Jehova, maging sa bahay ng tolda, para sa pagbabantay.+ 24 Nasa apat na direksiyon ang mga bantay ng pintuang-daan, sa silangan,+ sa kanluran,+ sa hilaga+ at sa timog.+ 25 At ang kanilang mga kapatid na nasa kanilang mga pamayanan ay pumapasok sa loob ng pitong+ araw, sa pana-panahon, kasama ng mga ito. 26 Sapagkat sa katungkulan bilang katiwala ay may apat na makapangyarihang lalaki mula sa mga bantay ng pintuang-daan. Sila ay mga Levita, at sila ang nangangasiwa sa mga silid-kainan+ at sa mga kayamanan+ ng bahay ng tunay na Diyos. 27 At nagpapalipas sila ng gabi sa buong palibot ng bahay ng tunay na Diyos; sapagkat ang pagbabantay+ ay nakaatas sa kanila, at sila ang nangangasiwa sa susi, ang magbukas nga tuwing umaga.+
28 At ang iba sa kanila ay nangangasiwa sa mga kagamitan+ sa paglilingkod, sapagkat ang mga iyon ay ipinapasok nila ayon sa bilang at inilalabas nila ayon sa bilang. 29 At ang iba sa kanila ay mga lalaking inatasan sa mga kagamitan at sa lahat ng banal+ na mga kagamitan at sa mainam na harina+ at sa alak+ at sa langis+ at sa olibano+ at sa langis ng balsamo.+ 30 At ang iba sa mga anak ng mga saserdote ay mga manggagawa ng halong ungguento+ ng langis ng balsamo. 31 At si Matitias na mula sa mga Levita, na panganay ni Salum+ na Korahita, ay nasa katungkulan bilang katiwala sa mga bagay na niluluto sa kawali.+ 32 At ang iba sa mga anak ng mga Kohatita, na mga kapatid nila, ay nangangasiwa sa magkakapatong na tinapay,+ upang ihanda iyon sa bawat sabbath.+
33 At ito ang mga mang-aawit,+ ang mga ulo ng mga ama ng mga Levita na nasa mga silid-kainan,+ ang mga pinalaya mula sa tungkulin;+ sapagkat sa araw at sa gabi ay pananagutan nilang gampanan ang gawain.+ 34 Ito ang mga ulo ng mga ama ng mga Levita ayon sa kanilang mga inapo, mga pangulo. Ito ang mga nanahanan sa Jerusalem.+
35 At sa Gibeon+ nanahanan ang ama ni Gibeon, si Jeiel. At ang pangalan ng kaniyang asawa ay Maaca. 36 At ang kaniyang anak, ang panganay, ay si Abdon, at sina Zur at Kis at Baal at Ner at Nadab, 37 at Gedor at Ahio at Zacarias+ at Miklot. 38 Kung tungkol kay Miklot, naging anak niya si Simeam. At sila nga ang nanahanan sa tapat ng kanilang mga kapatid sa Jerusalem kasama ng mga kapatid nila. 39 Kung tungkol kay Ner,+ naging anak niya si Kis;+ naging anak naman ni Kis si Saul;+ naging anak naman ni Saul sina Jonatan+ at Malki-sua+ at Abinadab+ at Esbaal.+ 40 At ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal. Kung tungkol kay Merib-baal,+ naging anak niya si Mikas.+ 41 At ang mga anak ni Mikas ay sina Piton at Melec at Tahrea at Ahaz.+ 42 Kung tungkol kay Ahaz, naging anak niya si Jara; naging anak naman ni Jara sina Alemet at Azmavet at Zimri. Naging anak naman ni Zimri si Mosa. 43 Kung tungkol kay Mosa, naging anak niya si Binea at si Repaias+ na kaniyang anak, si Eleasa na kaniyang anak, si Azel na kaniyang anak. 44 At si Azel ay nagkaroon ng anim na anak, at ito ang kanilang mga pangalan: Azrikam, Bokeru at Ismael at Searias at Obadias at Hanan. Ito ang mga anak ni Azel.+