2 Cronica
5 Sa wakas ay natapos na ang lahat ng gawaing kinailangang gawin ni Solomon para sa bahay ni Jehova,+ at pinasimulang ipasok ni Solomon ang mga bagay na pinabanal ni David na kaniyang ama;+ at ang pilak at ang ginto at ang lahat ng mga kagamitan ay inilagay niya sa kabang-yaman ng bahay ng tunay na Diyos.+ 2 Noon ay tinipon ni Solomon ang matatandang lalaki ng Israel+ at ang lahat ng mga ulo ng mga tribo,+ ang mga pinuno ng mga sambahayan ng mga anak ni Israel sa panig ng ama,+ sa Jerusalem, upang iahon+ ang kaban+ ng tipan ni Jehova mula sa Lunsod ni David,+ samakatuwid ay sa Sion.+ 3 Kaya ang lahat ng lalaki ng Israel ay nagtipun-tipon sa hari sa kapistahan, yaong sa ikapitong buwan.+
4 Kaya ang lahat ng matatandang lalaki ng Israel ay dumating,+ at pinasimulang buhatin ng mga Levita ang Kaban.+ 5 At iniahon nila ang Kaban+ at ang tolda ng kapisanan+ at ang lahat ng banal na kagamitang+ nasa tolda. Ang mga saserdote ang mga Levita ang nag-ahon ng mga iyon.+ 6 At si Haring Solomon at ang buong kapulungan ng mga Israelita na tumutupad sa kanilang pakikipagtipanan sa kaniya sa harap ng Kaban ay naghain+ ng mga tupa at ng mga baka na hindi mabilang o matuos ang dami dahil sa karamihan. 7 Nang magkagayon ay ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ni Jehova sa dako nito, sa kaloob-loobang+ silid ng bahay, sa Kabanal-banalan,+ sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.+ 8 Sa gayon ay nananatiling nakaunat ang mga pakpak ng mga kerubin sa ibabaw ng kinaroroonan ng Kaban, anupat natatakpan ng mga kerubin ang Kaban at ang mga pingga+ nito mula sa itaas.+ 9 Ngunit ang mga pingga ay mahahaba, kaya ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita sa dakong Banal sa harap ng kaloob-loobang silid, ngunit ang mga iyon ay hindi nakikita sa labas, at ang mga iyon ay nananatili roon hanggang sa araw na ito.+ 10 Walang anumang nasa Kaban maliban sa dalawang tapyas+ na ibinigay ni Moises sa Horeb,+ nang si Jehova ay makipagtipan+ sa mga anak ni Israel habang lumalabas sila mula sa Ehipto.+
11 At nangyari nang lumabas ang mga saserdote mula sa dakong banal (sapagkat ang lahat ng saserdoteng masusumpungan, sa ganang kanila, ay nagpabanal+ ng kanilang sarili—hindi na kailangan pang sundin ang pagkakapangkat-pangkat);+ 12 at ang mga Levita+ na mga mang-aawit na kabilang sa kanilang lahat, samakatuwid ay kay Asap,+ kay Heman,+ kay Jedutun+ at sa kanilang mga anak at sa kanilang mga kapatid na nadaramtan ng mainam na kayo taglay ang mga simbalo+ at mga panugtog na de-kuwerdas+ at mga alpa,+ ay nakatayo sa dakong silangan ng altar at kasama nila ang mga saserdote na may bilang na isang daan at dalawampu na nagpapatunog ng mga trumpeta;+ 13 at nangyari, nang ang mga manunugtog ng trumpeta at ang mga mang-aawit ay magkaisa+ sa pagpaparinig ng isang tunog ng papuri at pasasalamat kay Jehova, at nang ilakas nila ang tunog ng mga trumpeta at ng mga simbalo at ng mga panugtog para sa pag-awit+ at ng pagpuri+ kay Jehova, “sapagkat siya ay mabuti,+ sapagkat hanggang sa panahong walang takda ang kaniyang maibiging-kabaitan,”+ ang bahay ay napuno ng ulap,+ ang mismong bahay ni Jehova,+ 14 at ang mga saserdote ay hindi makatayo upang maglingkod dahil sa ulap;+ sapagkat pinunô ng kaluwalhatian+ ni Jehova ang bahay ng tunay na Diyos.