Nehemias
10 At ang nagpapatotoo niyaon sa pamamagitan ng tatak+ ay:
Si Nehemias+ na Tirsata,+ na anak ni Hacalias,+
At si Zedekias, 2 si Seraias,+ si Azarias, si Jeremias, 3 si Pasur, si Amarias, si Malkias, 4 si Hatus, si Sebanias, si Maluc, 5 si Harim,+ si Meremot, si Obadias, 6 si Daniel,+ si Gineton, si Baruc, 7 si Mesulam, si Abias, si Mijamin, 8 si Maazias, si Bilgai at si Semaias, na ang mga ito ay mga saserdote.
9 Gayundin ang mga Levita: si Jesua+ na anak ni Azanias, si Binui na mula sa mga anak ni Henadad,+ si Kadmiel 10 at ang kanilang mga kapatid na si Sebanias,+ si Hodias, si Kelita, si Pelaias, si Hanan, 11 si Mica, si Rehob, si Hasabias, 12 si Zacur, si Serebias,+ si Sebanias, 13 si Hodias, si Bani at si Beninu.
14 Ang mga ulo ng bayan: si Paros, si Pahat-moab,+ si Elam, si Zatu, si Bani, 15 si Bunni, si Azgad, si Bebai, 16 si Adonias, si Bigvai, si Adin, 17 si Ater, si Hezekias, si Azur, 18 si Hodias, si Hasum, si Bezai, 19 si Harip, si Anatot, si Nebai, 20 si Magpias, si Mesulam, si Hezir, 21 si Mesezabel, si Zadok, si Jadua, 22 si Pelatias, si Hanan, si Anaias, 23 si Hosea, si Hananias, si Hasub, 24 si Halohes, si Pilha, si Sobek, 25 si Rehum, si Hasabna, si Maaseias, 26 at si Ahias, si Hanan, si Anan, 27 si Maluc, si Harim, si Baanah.
28 Kung tungkol sa iba pa sa bayan, ang mga saserdote,+ ang mga Levita,+ ang mga bantay ng pintuang-daan,+ ang mga mang-aawit,+ ang mga Netineo+ at ang bawat isa na bumubukod mula sa mga bayan ng mga lupain+ ukol sa kautusan+ ng tunay na Diyos, ang kanilang mga asawa, ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae, ang bawat isa na may kaalaman at pagkaunawa,+ 29 sila ay lumakip sa kanilang mga kapatid,+ na kanilang mga taong mariringal,+ at sumailalim ng pananagutan sa isang sumpa+ at sa isang panata,+ na lumakad sa kautusan ng tunay na Diyos, na ibinigay sa pamamagitan ng kamay ni Moises na lingkod ng tunay na Diyos,+ at tuparin+ at isagawa ang lahat ng utos ni Jehova na aming Panginoon+ at ang kaniyang mga hudisyal na pasiya at ang kaniyang mga tuntunin;+ 30 at na hindi namin ibibigay ang aming mga anak na babae sa mga bayan ng lupain, at ang kanilang mga anak na babae ay hindi namin kukunin para sa aming mga anak na lalaki.+
31 Kung tungkol sa mga bayan ng lupain+ na nagdadala ng mga paninda at ng bawat uri ng binutil kapag araw ng sabbath upang ipagbili, hindi kami kukuha ng anuman mula sa kanila kapag sabbath+ o kapag banal na araw,+ at palalampasin namin ang ikapitong taon+ at ang utang ng bawat kamay.+
32 Gayundin, nagpataw kami sa aming sarili ng mga utos na magbigay, ang bawat isa sa amin, ng isang katlo ng isang siklo sa taun-taon para sa paglilingkod sa bahay ng aming Diyos,+ 33 para sa magkakapatong na tinapay+ at sa palagiang handog na mga butil+ at sa palagiang handog na sinusunog sa mga sabbath,+ sa mga bagong buwan,+ para sa mga itinakdang piging+ at para sa mga banal+ na bagay at para sa mga handog ukol sa kasalanan+ upang magbayad-sala para sa Israel at sa lahat ng gawain sa bahay ng aming Diyos.+
34 Gayundin, nagpalabunutan+ kami may kinalaman sa panustos na kahoy+ na dadalhin ng mga saserdote, ng mga Levita at ng bayan sa bahay ng aming Diyos, ayon sa sambahayan ng aming mga ninuno, sa mga itinakdang panahon, taun-taon, upang sunugin sa ibabaw ng altar ni Jehova na aming Diyos,+ ayon sa nakasulat sa kautusan;+ 35 at upang dalhin ang mga unang hinog na bunga ng aming lupa+ at ang mga unang hinog na bunga ng lahat ng bunga ng bawat uri ng punungkahoy,+ taun-taon, sa bahay ni Jehova; 36 at ang panganay+ sa aming mga anak at sa aming mga alagang hayop,+ ayon sa nakasulat sa kautusan,+ at ang panganay sa aming mga bakahan at sa aming mga kawan,+ upang dalhin ang mga iyon sa bahay ng aming Diyos, sa mga saserdote na naglilingkod sa bahay ng aming Diyos.+ 37 Gayundin, ang mga unang bunga ng aming harinang magaspang+ at ang aming mga abuloy+ at ang mga bunga ng bawat uri ng punungkahoy,+ ang bagong alak+ at ang langis+ ay dadalhin namin sa mga saserdote sa mga bulwagang kainan+ ng bahay ng aming Diyos, gayundin ang ikasampu mula sa aming lupa ay sa mga Levita,+ yamang sila, ang mga Levita, ang siyang tumatanggap ng ikasampu sa lahat ng aming mga sakahang lunsod.
38 At ang saserdote, na anak ni Aaron, ay sasama sa mga Levita kapag ang mga Levita ay tumatanggap ng ikasampu; at ang mga Levita naman ay maghahandog ng ikasampu ng ikasampu sa bahay ng aming Diyos+ sa mga bulwagang kainan+ ng bahay ng panustos. 39 Sapagkat sa mga bulwagang kainan dadalhin ng mga anak ni Israel at ng mga anak ng mga Levita ang abuloy+ na butil, ang bagong alak+ at ang langis, at naroon ang mga kagamitan ng santuwaryo at ang mga saserdote na naglilingkod,+ at ang mga bantay ng pintuang-daan+ at ang mga mang-aawit;+ at hindi namin dapat pabayaan ang bahay ng aming Diyos.+