Nehemias
11 At ang mga prinsipe+ ng bayan ay tumatahan sa Jerusalem;+ ngunit kung tungkol sa iba pa sa bayan, sila ay nagpalabunutan+ upang magdala ng isa mula sa bawat sampu upang manahanan sa Jerusalem na banal na lunsod,+ at ang siyam na iba pang bahagi ay sa ibang mga lunsod. 2 Bukod diyan, pinagpala+ ng bayan ang lahat ng lalaking nagkusang-loob+ na manahanan sa Jerusalem.
3 At ito ang mga ulo ng nasasakupang distrito+ na nanahanan sa Jerusalem;+ ngunit sa mga lunsod ng Juda ay nanahanan, ang bawat isa ay sa kaniyang sariling pag-aari, sa kanilang mga lunsod,+ ang Israel,+ ang mga saserdote+ at ang mga Levita,+ at ang mga Netineo+ at ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon.+
4 Gayundin, sa Jerusalem ay nanahanan ang ilan sa mga anak ni Juda at ang ilan sa mga anak ni Benjamin.+ Sa mga anak ni Juda ay si Ataias na anak ni Uzias na anak ni Zacarias na anak ni Amarias na anak ni Sepatias na anak ni Mahalalel na mula sa mga anak ni Perez;+ 5 at si Maaseias na anak ni Baruc na anak ni Colhoze na anak ni Hazaias na anak ni Adaias na anak ni Joiarib na anak ni Zacarias na anak ng Shelanita. 6 Ang lahat ng mga anak ni Perez na tumatahan sa Jerusalem ay apat na raan at animnapu’t walo, mga lalaking may kakayahan.
7 At ito ang mga anak ni Benjamin:+ si Sallu na anak ni Mesulam+ na anak ni Joed na anak ni Pedaias na anak ni Kolaias na anak ni Maaseias na anak ni Itiel na anak ni Jesaias; 8 at kasunod niya ay si Gabai at si Salai, siyam na raan at dalawampu’t walo; 9 at si Joel na anak ni Zicri, na isang tagapangasiwa sa kanila, at si Juda na anak ni Hasenua na namamahala sa lunsod bilang ikalawa.
10 Sa mga saserdote: si Jedaias na anak ni Joiarib,+ si Jakin,+ 11 si Seraias na anak ni Hilkias na anak ni Mesulam+ na anak ni Zadok+ na anak ni Meraiot na anak ni Ahitub,+ isang lider sa bahay ng tunay na Diyos; 12 at ang kanilang mga kapatid na gumagawa ng gawain sa bahay,+ walong daan at dalawampu’t dalawa; at si Adaias na anak ni Jeroham+ na anak ni Pelalias na anak ni Amzi na anak ni Zacarias na anak ni Pasur+ na anak ni Malkias,+ 13 at ang kaniyang mga kapatid, mga ulo ng mga sambahayan sa panig ng ama,+ dalawang daan at apatnapu’t dalawa, at si Amashai na anak ni Azarel na anak ni Azai na anak ni Mesilemot na anak ni Imer, 14 at ang kanilang mga kapatid, makapangyarihang mga lalaking may giting,+ isang daan at dalawampu’t walo, at may isang tagapangasiwa+ sa kanila, si Zabdiel na anak ng mga dakila.
15 At sa mga Levita:+ si Semaias na anak ni Hasub na anak ni Azrikam na anak ni Hasabias+ na anak ni Bunni, 16 at si Sabetai+ at si Jozabad,+ sa mga ulo ng mga Levita, na namamahala sa gawaing panlabas ng bahay ng tunay na Diyos; 17 at si Matanias,+ na anak ni Mikas na anak ni Zabdi na anak ni Asap,+ na konduktor ng pag-awit ng papuri,+ ang nagbigay-papuri sa panalangin,+ at si Bakbukias ay ikalawa sa kaniyang mga kapatid, at si Abda na anak ni Samua na anak ni Galal+ na anak ni Jedutun.+ 18 Ang lahat ng mga Levita sa banal na lunsod+ ay dalawang daan at walumpu’t apat.
19 At ang mga bantay ng pintuang-daan+ ay si Akub, si Talmon+ at ang kanilang mga kapatid na nagbabantay sa mga pintuang-daan,+ isang daan at pitumpu’t dalawa.
20 At ang iba pa sa Israel, sa mga saserdote at sa mga Levita, ay nasa lahat ng iba pang lunsod ng Juda, ang bawat isa ay sa kaniyang sariling minanang pag-aari.+ 21 At ang mga Netineo+ ay tumatahan sa Opel;+ at si Ziha at si Gispa ang namamahala sa mga Netineo.
22 At ang tagapangasiwa+ ng mga Levita sa Jerusalem ay si Uzi na anak ni Bani na anak ni Hasabias na anak ni Matanias+ na anak ni Mica+ na mula sa mga anak ni Asap,+ na mga mang-aawit,+ may kinalaman sa gawain sa bahay ng tunay na Diyos. 23 Sapagkat may isang utos ang hari alang-alang sa kanila,+ at may takdang paglalaan para sa mga mang-aawit ayon sa pangangailangan sa bawat araw.+ 24 At si Petahias na anak ni Mesezabel na mula sa mga anak ni Zera na anak ni Juda ay nasa tabi ng hari para sa bawat bagay na tungkol sa bayan.
25 At kung tungkol sa mga pamayanan+ sa kanilang mga bukid, may ilan sa mga anak ni Juda na nanahanan sa Kiriat-arba+ at sa mga sakop na bayan nito at sa Dibon at sa mga sakop na bayan nito at sa Jekabzeel+ at sa mga pamayanan nito, 26 at sa Jesua at sa Molada+ at sa Bet-pelet+ 27 at sa Hazar-sual+ at sa Beer-sheba+ at sa mga sakop na bayan nito 28 at sa Ziklag+ at sa Mecona at sa mga sakop na bayan nito 29 at sa En-rimon+ at sa Zora+ at sa Jarmut,+ 30 sa Zanoa,+ sa Adulam+ at sa mga pamayanan ng mga ito, sa Lakis+ at sa mga bukid nito, sa Azeka+ at sa mga sakop na bayan nito. At nagkampo sila mula sa Beer-sheba hanggang sa libis ng Hinom.+
31 At ang mga anak ni Benjamin ay mula sa Geba,+ sa Micmash+ at sa Aija+ at sa Bethel+ at sa mga sakop na bayan nito, 32 sa Anatot,+ sa Nob,+ sa Anania, 33 sa Hazor, sa Rama,+ sa Gitaim,+ 34 sa Hadid, sa Zeboim, sa Nebalat, 35 sa Lod+ at sa Ono,+ ang libis ng mga bihasang manggagawa. 36 At sa mga Levita ay may mga pangkat ng Juda para sa Benjamin.