Esther
3 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dinakila ni Haring Ahasuero si Haman+ na anak ni Hamedata na Agagita+ at itinaas siya+ at inilagay ang kaniyang trono nang mataas kaysa sa lahat ng iba pang prinsipe na kasama niya.+ 2 At ang lahat ng mga lingkod ng hari na nasa pintuang-daan ng hari+ ay yumukod at nagpatirapa kay Haman, sapagkat gayon ang iniutos ng hari may kaugnayan sa kaniya. Ngunit kung tungkol kay Mardokeo, hindi siya yumuyukod ni nagpapatirapa man.+ 3 At ang mga lingkod ng hari na nasa pintuang-daan ng hari ay nagsabi kay Mardokeo: “Bakit mo sinusuway ang utos ng hari?”+ 4 At nangyari nga, habang kinakausap nila siya sa araw-araw, at hindi niya sila pinakikinggan, na sinabi nila kay Haman upang makita kung ang ginagawa ni Mardokeo ay mananatili;+ sapagkat sinabi niya sa kanila na siya ay isang Judio.+
5 At nakikita ni Haman na si Mardokeo ay hindi yumuyukod at nagpapatirapa sa kaniya,+ at si Haman ay napuno ng pagngangalit.+ 6 Ngunit kasuklam-suklam sa kaniyang paningin na si Mardokeo lamang ang pagbuhatan ng kamay, sapagkat sinabi nila sa kaniya ang tungkol sa bayan ni Mardokeo; at si Haman ay nagsimulang magsikap na lipulin+ ang lahat ng mga Judio na nasa buong nasasakupan ni Ahasuero, ang bayan ni Mardokeo.+
7 Nang unang buwan,+ na siyang buwan ng Nisan, nang ikalabindalawang taon+ ni Haring Ahasuero, ay may naghagis ng Pur,+ na siyang Palabunot,+ sa harap ni Haman araw-araw at buwan-buwan, hanggang sa ikalabindalawa, na siyang buwan ng Adar.+ 8 At sinabi ni Haman kay Haring Ahasuero: “May isang bayan na nakapangalat+ at nakahiwalay sa gitna ng mga bayan sa lahat ng mga nasasakupang distrito na iyong pinamamahalaan;+ at ang kanilang mga kautusan ay kakaiba sa lahat niyaong sa ibang bayan, at ang mga kautusan ng hari ay hindi nila ginagawa,+ at hindi angkop na pabayaan na lamang sila ng hari. 9 Kung sa hari ay wari ngang mabuti, masulat nawa na puksain sila; at sampung libong+ talento na pilak ang ibabayad ko sa mga kamay ng mga magsasagawa ng gawain+ sa pamamagitan ng pagdadala nito sa ingatang-yaman ng hari.”
10 Sa gayon ay hinubad ng hari ang kaniyang singsing na panlagda+ mula sa kaniyang kamay at ibinigay iyon kay Haman+ na anak ni Hamedata na Agagita,+ na siyang napopoot sa mga Judio.+ 11 At sinabi ng hari kay Haman: “Ang pilak+ ay ibinibigay sa iyo, gayundin ang bayan, upang gawin sa kanila ang anumang mabuti sa iyong paningin.”+ 12 Pagkatapos ay tinawag ang mga kalihim+ ng hari nang unang buwan noong ikalabintatlong araw nito, at ang pagsulat+ ay ginawa ayon sa lahat ng iniutos ni Haman sa mga satrapa ng hari at sa mga gobernador na namamahala sa iba’t ibang mga nasasakupang distrito,+ at sa mga prinsipe ng iba’t ibang mga bayan, ng bawat nasasakupang distrito, ayon sa sarili nitong istilo ng pagsulat,+ at sa bawat bayan ayon sa sarili nitong wika; sa pangalan+ ni Haring Ahasuero ay isinulat ito at tinatakan ito ng singsing na panlagda ng hari.+
13 At ipinadala ang mga liham sa pamamagitan ng mga sugo sa lahat ng mga nasasakupang distrito ng hari,+ na lipulin, patayin at puksain ang lahat ng mga Judio, kabataang lalaki at gayundin ang matandang lalaki, ang maliliit na bata at ang mga babae, sa isang araw,+ sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan, na siyang buwan ng Adar,+ at mandambong ng samsam sa kanila.+ 14 Isang kopya ng sulat na ibibigay bilang kautusan+ sa lahat ng iba’t ibang nasasakupang distrito+ ang ipinahayag sa lahat ng mga bayan, na maging handa sila para sa araw na ito. 15 Ang mga sugo ay lumabas, na nagtutumulin+ dahil sa salita ng hari, at ang kautusan ay ibinigay sa kastilyo ng Susan.+ Kung tungkol sa hari at kay Haman, sila ay umupo upang uminom;+ ngunit kung tungkol naman sa lunsod ng Susan,+ iyon ay nagkakagulo.+