Job
16 At si Job ay sumagot at nagsabi:
2 “Ako ay nakarinig na ng maraming bagay na tulad ng mga ito.
Kayong lahat ay mapanligalig na mga mang-aaliw!+
4 Ako rin ay makapagsasalitang gaya ninyo.
Kung ang inyong mga kaluluwa lamang sana ay nasa kinaroroonan ng aking kaluluwa,
Ako ba ay magpapakahusay sa mga salita laban sa inyo,+
At mag-iiling ba ako ng aking ulo laban sa inyo?+
5 Palalakasin ko kayo sa pamamagitan ng mga salita ng aking bibig,+
At ang pang-aaliw ng aking mga labi ay pipigil—.
6 Kung magsasalita ako, ang aking kirot ay hindi napipigilan,+
At kung titigil nga ako, ano ang naaalis sa akin?
7 Kaya lamang ay pinanghimagod niya ako ngayon;+
Ginawa niyang kaaba-aba ang lahat ng nakikipagtipon sa akin.
8 Sinusunggaban mo rin ako. Iyon ay naging isang saksi,+
Kung kaya ang aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin. Sa aking mukha ay nagpapatotoo iyon.
9 Niluray ako ng kaniyang galit, at nagkikimkim siya ng matinding poot+ laban sa akin.
Pinagngangalit nga niya ang kaniyang mga ngipin laban sa akin.+
Pinanlilisik ng aking kalaban ang kaniyang mga mata laban sa akin.+
10 Ibinuka nilang mabuti ang kanilang bibig laban sa akin,+
May pandurusta nilang sinampal ang aking mga pisngi,
Maramihan silang nagpipisan laban sa akin.+
11 Ibinibigay ako ng Diyos sa mga batang lalaki,
At sa mga kamay ng mga balakyot ay inihahagis niya ako nang buong lakas.+
12 Ako ay naging panatag, ngunit niyugyog niya ako;+
At sinunggaban niya ako sa batok at dinurog ako,
At inilalagay niya ako bilang kaniyang tudlaan.
13 Pinalilibutan ako ng kaniyang mga mamamana;+
Binibiyak niya ang aking mga bato+ at hindi siya nahahabag;
Ibinubuhos niya ang aking apdo sa mismong lupa.
14 Ginigiba niya ako sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagbutas;
Dinadaluhong niya akong tulad ng isang makapangyarihan.+
15 Nagtahi ako ng telang-sako+ sa ibabaw ng aking balat,
At ibinaon ko ang aking sungay sa mismong alabok.+
16 Ang aking mukha ay namula dahil sa pagtangis,+
At sa talukap ng aking mga mata ay may matinding karimlan,+
17 Bagaman walang karahasan sa aking mga palad,
At ang aking panalangin ay dalisay.+
18 O lupa, huwag mong takpan ang aking dugo!+
At huwag nawang magkaroon ng dako para sa aking pagdaing!
19 At gayundin, narito! sa langit ay may nagpapatotoo tungkol sa akin,
At ang aking saksi ay nasa kaitaasan.+
20 Ang aking mga kasamahan ay mga tagapagsalita laban sa akin;+
Sa Diyos ay tumingin ang aking mata nang may pagpupuyat.+