Job
20 At si Zopar na Naamatita ay tumugon at nagsabi:
2 “Kaya sinasagot ako ng aking mga nakababalisang kaisipan,
Dahil nga sa aking panloob na pagkabagabag.
3 Isang mapang-insultong payo sa akin ang naririnig ko;
At isang espiritu na walang pagkaunawa na taglay ko ang tumutugon sa akin.
4 Lagi mo bang nalalaman ang mismong bagay na ito,
Magmula nang ang tao ay malagay sa ibabaw ng lupa,+
5 Na ang hiyaw ng kagalakan ng mga taong balakyot ay maikli+
At ang pagsasaya ng isang apostata ay panandalian?
6 Bagaman ang kaniyang kagalingan ay pumapailanlang hanggang sa langit+
At ang kaniyang ulo mismo ay umaabot hanggang sa mga ulap,
7 Tulad ng kaniyang mga limpak ng dumi ay maglalaho siya magpakailanman;+
Ang mismong mga nakakakita sa kaniya ay magsasabi, ‘Nasaan siya?’+
8 Tulad ng isang panaginip ay mawawala siya, at hindi nila siya masusumpungan;
At siya ay maglalahong tulad ng isang pangitain sa gabi.+
9 Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya muling makikita,+
At hindi na siya mamamasdan pa ng kaniyang dako.+
10 Ang kaniyang mga anak ay maghahanap ng lingap ng mga taong maralita,
At isasauli ng kaniyang sariling mga kamay ang kaniyang mahahalagang bagay.+
11 Ang kaniyang mga buto ay puspos ng lakas ng kaniyang kabataan,
Ngunit iyon ay kasama niyang hihiga sa alabok.+
12 Kung ang kasamaan ay matamis sa kaniyang bibig,
Kung tinutunaw niya iyon sa ilalim ng kaniyang dila,
13 Kung pinagmamalasakitan niya iyon at hindi niya iyon iniiwan,
At kung pinananatili niya iyon sa loob ng kaniyang ngalangala,
14 Ang kaniyang pagkain ay tiyak na mababago sa kaniyang sariling mga bituka;
Iyon ay magiging apdo ng mga kobra sa loob niya.
15 Ang yaman ay kaniyang nilulon, ngunit isusuka niya iyon;
Palalabasin iyon ng Diyos mula sa kaniya mismong tiyan.
17 Hindi niya makikita ang mga daanang-tubig,+
Ang mga bumubukal na batis ng pulot-pukyutan at mantikilya.
18 Isasauli niya ang kaniyang tinamong ari-arian at hindi niya iyon lalamunin;
Gaya ng yaman mula sa kaniyang pangangalakal, na hindi naman niya tatamasahin.+
19 Sapagkat naniil siya, iniwan niya ang mga maralita;
Nang-agaw siya ng bahay na hindi niya itinayo.+
20 Sapagkat tiyak na hindi makakakilala ng kaginhawahan ang kaniyang tiyan;
Sa pamamagitan ng kaniyang mga kanais-nais na bagay ay hindi siya makatatakas.+
21 Wala nang anumang natitira upang malamon niya;
Kaya naman ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mamamalagi.
22 Habang ang kaniyang kasaganaan ay nasa tugatog nito ay makadarama siya ng pagkabalisa;+
Ang buong kapangyarihan ng kasawian ay darating laban sa kaniya.
23 Mangyari nawa na, upang busugin ang kaniyang tiyan,
Pasasapitin niya sa kaniya ang kaniyang nag-aapoy na galit+
At pauulanin niya iyon sa kaniya, hanggang sa kaniyang bituka.
25 Isang suligi ang tatagos pa nga sa kaniyang likod,
At isang kumikinang na sandata ang tatagos sa kaniyang apdo;+
Mga nakatatakot na bagay ang hahayo laban sa kaniya.+
26 Ang buong kadiliman ay itataan para sa kaniyang mga minamahalagang bagay;
Isang apoy na hindi hinipan ninuman ang lalamon sa kaniya;+
At ang natirang buháy sa kaniyang tolda ay mapapahamak.