Job
20 Sinabi ni Zopar+ na Naamatita:
2 “Hindi ko mapigilang magsalita dahil sa mga gumugulo sa isip ko,
Dahil nababagabag ako.
4 Tiyak na alam mo na ito,
Dahil ganito na ang kalagayan mula nang magkaroon ng tao* sa lupa+
5 —Sandali lang ang hiyaw ng kagalakan ng masama
6 Umabot man hanggang sa langit ang kayabangan niya
At hanggang sa ulap ang ulo niya,
7 Maglalaho siya magpakailanman gaya ng sarili niyang dumi;
Sasabihin ng dating mga nakakakita sa kaniya, ‘Nasaan siya?’
8 Mawawala siyang gaya ng panaginip, at hindi nila siya makikita;
Maglalaho siyang gaya ng pangitain sa gabi.
9 Hindi na siya muling makikita ng matang nakakita sa kaniya,
At hindi na siya makikita sa tahanan niya.+
10 Magsisikap ang sarili niyang mga anak na makuha ang pabor ng mahihirap,
At isasauli ng sarili niyang mga kamay ang kayamanan niya.+
12 Ang kasamaan ay gaya ng matamis na pagkain sa bibig niya;
Tinutunaw niya ito sa ilalim ng dila niya,
13 Ninanamnam niya ito at ayaw iluwa,
At pinatatagal niya ito sa bibig niya.
14 Pero pagdating nito sa tiyan niya, aasim ito;
Magiging gaya ito ng lason* ng kobra sa loob niya.
15 Lumulon siya ng kayamanan, pero isusuka niya iyon;
Palalabasin iyon ng Diyos mula sa tiyan niya.
17 Hindi niya kailanman makikita ang mga batis ng tubig,
Ang umaagos na pulot-pukyutan at mantikilya.
18 Isasauli niya ang ari-arian niya nang hindi iyon nagagamit;*
Hindi niya mapapakinabangan ang kayamanang kinita niya sa pagnenegosyo.+
19 Dahil inapi niya at pinabayaan ang mahihirap;
Inagaw niya ang bahay na hindi niya itinayo.
20 Pero hindi siya mapapanatag;
Walang magagawa ang kayamanan niya para makatakas siya.
21 Wala na siyang malalamon;
Kaya hindi magtatagal ang kasaganaan niya.
22 Kapag sobrang yaman na niya, mababalot siya ng pag-aalala;
Patong-patong na problema ang darating sa kaniya.
23 Habang nagpapakabusog siya,
Maglalagablab ang galit ng Diyos* sa kaniya;
Pauulanan siya ng masasamang bagay na aabot sa mga bituka niya.
24 Kapag natakasan niya ang mga sandatang bakal,
Tutuhugin naman siya ng mga palaso mula sa búsog na tanso.
25 Huhugutin niya sa likod ang palaso,
Isang kumikinang na sandata na tumusok sa apdo niya,
At manginginig siya sa takot.+
26 Itatapon sa matinding kadiliman ang kayamanan niya;
Lalamunin siya ng apoy na hindi pinaningas* ng sinuman;
Mapapahamak ang mga natirang buháy sa tolda niya.
27 Ilalantad ng langit ang kasalanan niya;
Ang lupa ay magiging kalaban niya.
29 Ito ang gantimpala ng Diyos sa masama,
Ang manang inilaan ng Diyos para sa kaniya.”