Job
2 Makapaglalagay ka ba ng halamang hungko sa mga butas ng kaniyang ilong,+
O mabubutasan mo ba ng tinik ang kaniyang mga panga?
3 Mamamanhik ba siya sa iyo nang maraming ulit,
O magsasabi ba siya sa iyo ng malulumanay na salita?
4 Makikipagtipan ba siya sa iyo,
Upang makuha mo siyang alipin hanggang sa panahong walang takda?
5 Makikipaglaro ka ba sa kaniya na gaya ng sa isang ibon,
O tatalian mo ba siya para sa iyong mga batang babae?
6 Makikipagpalitan ba ang mga magkakasamahan para sa kaniya?
Siya ba ay paghahati-hatian nilang mga negosyante?
8 Ipatong mo sa kaniya ang iyong kamay.
Alalahanin mo ang pagbabaka. Huwag mo nang gawing muli.
9 Narito! Ang pag-asa ng isa tungkol doon ay talagang mabibigo.
Ang isa ay mapababagsak din sa pagkakita lamang doon.
10 Walang sinumang napakapangahas upang pukawin niya iyon.
At sino nga ang makapaninindigan sa harap ko?+
11 Sino ang naunang nagbigay sa akin, anupat dapat ko siyang gantihan?+
Ang nasa silong ng buong langit ay sa akin.+
12 Hindi ako mananatiling tahimik tungkol sa mga bahagi niya
Ni tungkol sa kalakasan niya at sa ganda ng kaniyang pagkakahubog.
13 Sino ang nakapaglantad ng harapan ng kaniyang pananamit?
Sa kaniyang doblihang panga ay sino ang papasok?
14 Sino ang nakapagbukas ng mga pinto ng kaniyang mukha?
Ang kaniyang mga ngipin na nakapalibot ay nakatatakot.
15 Hanay-hanay na mga kaliskis ang kaniyang kapalaluan,
Nakasarang gaya niyaong may mahigpit na tatak.
16 Sa isa’t isa ay lapat na lapat ang mga iyon,
At maging hangin ay hindi makapasok sa pagitan ng mga iyon.
17 Ang mga iyon ay nakadikit sa isa’t isa;
Ang mga iyon ay nakasugpong sa isa’t isa at hindi mapaghihiwalay.
18 Ang mismong mga bahin niya ay nagpapakislap ng liwanag,
At ang mga mata niya ay tulad ng mga silahis ng bukang-liwayway.
19 Mula sa kaniyang bibig ay may lumalabas na mga kislap ng kidlat,
Maging ang mga siklab ng apoy ay tumatakas.
20 Mula sa mga butas ng kaniyang ilong ay may lumalabas na usok,
Tulad ng hurno na pinagniningas sa pamamagitan ng mga halamang hungko.
21 Ang kaniyang kaluluwa ay nagpapalagablab ng mga baga,
At isang liyab pa nga ang lumalabas sa kaniyang bibig.
22 Sa kaniyang leeg ay namamalagi ang lakas,
At sa harap niya ay lumulukso ang kawalang-pag-asa.
23 Ang mga tupi ng kaniyang laman ay magkakadikit;
Ang mga iyon ay gaya ng hulma sa ibabaw niya, di-makilos.
24 Ang puso niya ay nakahulmang gaya ng bato,
Oo, nakahulmang gaya ng pang-ilalim na gilingang-bato.
28 Hindi siya naitataboy ng palaso;
Ang mga batong panghilagpos+ ay naging gaya lamang ng pinaggapasan para sa kaniya.
29 Ang pamalo ay itinuturing niyang gaya lamang ng pinaggapasan,+
At pinagtatawanan niya ang pagkalampag ng diyabelin.
30 Ang kaniyang pang-ilalim na mga bahagi ay gaya ng matutulis na bibingang luwad;
Naglalatag siya ng kasangkapang panggiik+ sa ibabaw ng lusak.
31 Pinakukulo niya ang kalaliman na parang isang palayok;
Ang mismong dagat ay ginagawa niyang gaya ng sisidlan ng ungguento.
32 Sa likuran niya ay pinakikislap niya ang isang landas;
Mamalasin ng isa ang matubig na kalaliman na waring ulong may uban.
33 Sa ibabaw ng alabok ay walang tulad niya,
Ang isa na nilikhang walang kakilabutan.
34 Ang lahat ng bagay na mataas ay nakikita niya.
Siya ay hari sa lahat ng mariringal at maiilap na hayop.”