Awit
3 Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga taong mahal,+
Ni sa anak man ng makalupang tao, na sa kaniya ay walang pagliligtas.+
4 Ang kaniyang espiritu ay pumapanaw,+ siya ay bumabalik sa kaniyang pagkalupa;+
Sa araw ring iyon ay maglalaho ang kaniyang pag-iisip.+
5 Maligaya siya na ang kaniyang pinakasaklolo ay ang Diyos ni Jacob,+
Na ang kaniyang pag-asa ay kay Jehova na kaniyang Diyos,+
6 Ang Maylikha ng langit at ng lupa,+
Ng dagat, at ng lahat ng naroroon,+
Ang Isa na nag-iingat ng katapatan hanggang sa panahong walang takda,+
7 Ang Isa na naglalapat ng kahatulan para sa mga dinadaya,+
Ang Isa na nagbibigay ng tinapay sa mga gutóm.+
Pinalalaya ni Jehova yaong mga nakagapos.+
8 Idinidilat ni Jehova ang mga mata ng mga bulag;+
Ibinabangon ni Jehova ang mga nakayukod;+
Iniibig ni Jehova ang mga matuwid.+