Awit
2 Magsaya nawa ang Israel sa kaniyang Dakilang Maylikha,+
Ang mga anak ng Sion—magalak nawa sila sa kanilang Hari.+
3 Purihin nawa nila ang kaniyang pangalan nang may sayawan.+
Tumugtog nawa sila para sa kaniya na may tamburin at alpa.+
5 Magbunyi nawa sa kaluwalhatian ang mga matapat;
Humiyaw nawa sila nang may kagalakan sa kanilang mga higaan.+
6 Mapasakanilang lalamunan nawa ang mga awit na dumadakila sa Diyos,+
At mapasakanilang kamay nawa ang isang tabak na may dalawang talim,+
7 Upang maglapat ng paghihiganti sa mga bansa,+
Ng mga pagsaway sa mga liping pambansa,+
8 Upang gapusin ng mga pampataw ang kanilang mga hari+
At ng mga pangaw na bakal ang kanilang mga maluwalhati,
9 Upang ilapat sa kanila ang nasusulat na hudisyal na pasiya.+
Ang gayong karilagan ay nauukol sa lahat ng kaniyang mga matapat.+
Purihin ninyo si Jah!+