Awit
2 Bakit nagkakagulo ang mga bansa+
At ang mga liping pambansa ay patuloy na bumubulung-bulong ng walang-katuturang bagay?+
2 Ang mga hari sa lupa ay tumitindig+
At ang matataas na opisyal ay nagpipisan na tila iisa+
Laban kay Jehova+ at laban sa kaniyang pinahiran,+
3 Na sinasabi: “Lagutin natin ang kanilang mga panggapos+
At itapon ang kanilang mga panali mula sa atin!”+
5 Sa panahong iyon ay magsasalita siya sa kanila sa kaniyang galit+
At sa kaniyang matinding pagkayamot ay liligaligin niya sila,+
7 Tutukuyin ko ang batas ni Jehova;
Sinabi niya sa akin: “Ikaw ang aking anak;+
Ako, ngayon, ako ay naging iyong ama.+
8 Humingi ka sa akin,+ upang maibigay ko ang mga bansa bilang iyong mana+
At ang mga dulo ng lupa bilang iyong sariling pag-aari.+
9 Babaliin mo sila sa pamamagitan ng isang setrong bakal,+
Dudurugin mo silang gaya ng sisidlan ng magpapalayok.”+