Awit
Ni David.
26 Hatulan mo ako,+ O Jehova, sapagkat ako ay lumakad sa aking katapatan,+
At kay Jehova ako nagtiwala, upang hindi ako sumuray.+
2 Suriin mo ako, O Jehova, at ilagay mo ako sa pagsubok;+
Dalisayin mo ang aking mga bato at ang aking puso.+
3 Sapagkat ang iyong maibiging-kabaitan ay nasa harap ng aking mga mata,
At lumakad ako sa iyong katotohanan.+
4 Hindi ako umupong kasama ng mga taong bulaan;+
At hindi ako pumapasok na kasama ng mga mapagpakunwari.+
5 Kinapopootan ko ang kongregasyon ng mga manggagawa ng kasamaan,+
At hindi ako umuupong kasama ng mga balakyot.+
6 Huhugasan ko ang aking mga kamay sa kawalang-sala,+
At lalakad ako sa palibot ng iyong altar, O Jehova,+
7 Upang maiparinig nang malakas ang pasasalamat,+
At upang ipahayag ang lahat ng iyong mga kamangha-manghang gawa.+
9 Huwag mong kuning kasama ng mga makasalanan ang aking kaluluwa,+
Ni ang aking buhay na kasama ng mga taong may pagkakasala sa dugo,+
10 Na sa kanilang mga kamay ay may mahalay na paggawi,+
At ang kanilang kanang kamay ay punô ng panunuhol.+